Chapter 7 - Miss and Boom (Part 1)

9 1 6
                                    

It looks like I'll be punching another guy starting today.

"I'll be taking that power and put it in good use. You need to know your place." sabi ni Cosmos sabay nag-uppercut sa hangin. Kanina pa 'to galaw nang galaw. "Uwaah~ Ate Vie so cool!"

"Cosmos, halika nga dito."

"Ye--Aray! Bakit nanununtok ka, Ate Vie?" sabi nito habang hinahagod yung parte sa braso niya na sinuntok ko.

"Bakit mo ba kase ginagaya yung ginawa ko kanina?" inis na sabi ko.

"Ang cool nga kase! I want to be like that! Whoosh, Whoosh!" sabi nito habang sinusuntok ang hangin.

Hays. Kala mo naman hindi lumaban eh. He wouldn't be hired if he can't fight.

Nasa ospital kami ngayon ilang phase ang layo sa Shigusa. Apparently, there was an ambulance waiting at the surface area of the Shigusa base just in case someone gets badly injured.

Natanggal na nila ang bala na bumaon sa kaliwang braso ko. Masakit kapag ginagalaw ko ito kaya nilagyan nila ng cast ang braso ko. Nasa private ward ako kasama ni Cosmos na inutusan na magbantay sa'kin. Wala na siyang ginawa kanina kundi asarin ako tungkol sa laban na nangyari kanina.

"Ano na gagawin nila kay Allegia?" tanong ko kay Cosmos.

"Hindi ko pa alam. I was told to watch over you kaya hindi ko narinig yung pinag-uusapan nila." sagot naman nito.

"Ohh, okay."

Naging awkward na sa pagitan naming dalawa ni Cosmos dahil hindi na ito nagsalita pa. Ayaw ko pang manahimik kaya nagtanong ulit ako.

"Nasaan pala sila Ast--"

"YES BABE?! I AM HERE!"

Nagulat na lang ako nang bumukas ang pinto at nakita ko si Aster na nag-pose pa na nakataas ang kamao. Nasa likod niya naman sila Miss Scarleth at Petunia na gumaya rin sa ginagawa ni Aster. What's with the babe? Eww.

Nakita ko naman si Cosmos na itinakip ang mga kamay sa tenga nito.

"Hoy! Abnormal ka ba? Bakit hindi mo kayang pumasok ng hindi nasigaw?" sigaw ko sa kanya. "And don't you call me babe. Walang tayo."

"Sows. Miss mo lang ako yieee."

"As if naman no! Bahala ka na umasa diyan." sagot ko dito.

Pinagpatuloy niya ang pang-aasar sa'kin kaya inirapan ko na lang ito at hindi na sumagot.

"Hi, Vie-chan! You okay now?"

"Ah, yes po. Natanggal naman na nila yung bala. I just need some time to recover." sagot ko.

Bigla naman lumapit sa'kin si Petunia at niyakap ako? Huh?

"She was worried about you."

Aww, cute.

Agad din naman itong kumalas at nagtago uilt sa likod ni Miss Scarleth na nakangiti sa kanya.

Nawala na ang katahimikan sa loob ng kwarto dahil pumasok dito si Chief Reid at Miss Zumi na may dalang folder.

"How's your condition?" tanong ni Chief Reid.

"I am doing just fine, sir." sagot ko.

"I know this isn't a formal-ish way of giving this but, here. Welcome to the Wisteria Corps." sabi ni Chief Reid at binigay sa'kin ang isang wisteria designed pin. May mga nakalagay pa ditong mga brilyante na mukhang mamahalin. Kasinglaki lang siya ng malaking butones pero 'di aakalain na may iba pa itong gamit. Hindi ko na lang muna ginalaw ito at nakinig na sa sasabihin nila.

When the Flower BloomsWhere stories live. Discover now