Chapter 29 (part 2)

3.4K 100 8
                                    

Mitch's POV


Kibit-balikat na sumunod na lang ako kay Sophie. Nakakapagtaka lang talaga. Ano bang nangyare? Bigla-bigla na lang nagkaganun yun.


Dumaan muna kami sa isang restaurant bago umuwi. Nagutom kasi ako bigla sa kakalakad kanina. Tapos idagdag pa na naka-2 inch heels ako. Wala lang. Trip ko lang mag-heels.



"I'm full" sabi ni Sophie matapos ibaba ang kubyertos na hawak nya


Napamulagat ako. Seryoso? "Busog ka na agad? Sa tatlong subo ay busog ka na agad?" hindi makapaniwalang sabi ko. Wala pang fifteen minutes mula ng ibigay ang order namin ay nabusog na ako sya.


"Hindi ko lang gusto ang pagkain kaya konti lang nakain ko" alam kong palusot lang ang sinabi nya. Like what? Three star restaurant? Hindi masarap ang pagkain?


"Are you kidding me?" kunot na kunot ang noo na pagkakasabi ko. "Three star restaurant ito tapos sasabihin mong hindi masarap ang pagkain"


Napabuntong-hininga sya "Fine. Wala lang ako sa mood."


Napailing na lang ako. "Bahala ka. Basta ako kakain" sinabi ko na lang. Mukha naman wala talaga sya sa mood

------

"Sophie" tawag ko habang palabas na kami ng restaurant. Sobra akong nabusog sa kinain ko.


Tumigil naman sya sa paglalakad. Actually, nasa unahan ko lang sya. "Oh, bakit?" tanong nya


"Can we go to a department store? May nakalimutan kasi akong bilhin" napapakamot sa batok na sabi ko. Baka kasi magalit saken si Sophie.


She gave a sigh "Alright. Pero ikaw lang ang papasok. Sa kotse na lang kita hihintayin"


I nodded. "Okay! Thank you" sabi ko



Si Sophie ang nagda-drive ng kotse. Dahil sa wala akong sense of direction ay hindi na nila ako pinapagamit ng kotse. Ilang beses na din kasi akong naligaw kaya nadala na din sila.



"May ipapabili ka ba?" bigla kong tanong sa kanya. Baka kasi may ipabili sya.


Umiling lang sya. I looked at her. Naka-focus lang sya sa daan. "Sophie?" tawag ko.



Hindi nya ata ako narinig. I called her several times pero wala pa din. Wala namang nakasalpak sa tenga nya para magkaroon sya ng excuse para hindi ako marinig. Okay. Last call. Kapag hindi pa nya ako pinansin ay sisigaw na ako.



"Sophie?"



I silently count one to five. Wala pa din. Hay! She leave me no choice.



"SOPHIE!?"


"Ay Lois!" gulat na sabi nya



Kailangan pa palang sumigaw para lang makuha ko ang atensyon nya. At teka nga, anong sabi nya? Lois? Oh oh! I smell something.



"Mitch naman!" inis na sabi nya "I'm driving. Can't you see?"


Kunot noong tiningnan ko sya. Aba. Aba. "Ano yung sinabi mo kanina? Lois?"


Ang loka, biglang namula. Huli ka balbon. Sinasabi ko na nga ba. "May affair ba kayo ni Lois? Sabihin mo?" exaggerated kong sabi


"Gaga!" nakakatawa sya. Nagtataray pero ang pula naman ng mukha. "Wala pa"


Natutop ko ang bibig ko. "Wala pa? Ibig sabihin may pag-asa?"



Mukha namang natauhan sya sa sinabi nya. Natigilan sya bigla. Itinabi muna nya ang sasakyan saka umub-ob sa manibela.



Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon