Chapter 44

3.1K 102 6
                                    

Lianne's POV

Black halter dress with a little slit in front. I paired it with a black stilettos. Yan ang suot ko ngayon. Obviously, we're going to a party. Agad kasing nagpa-party ang mga magulang namin ng malaman nilang nakauwi na kami. Hindi pa naman nila alam na okay na kami ng mga boys.

"Bakit ba kasi kasama pa ako sa party na yun?" kanina pa reklamo ng reklamo si Yanny. Tss. Para naman sa kanya itong gagawin namin pero ang dami pa nyang arte.


Inirapan ko sya "Malamang invited ka" sarkastik kong sabi


"Well, thank you for the acknowledgement. Thank you" She sarcastically said


Sumingit sa usapan namin si Mitch "Para kayong mga ewan dyan. Tumigil nga kayo." nakakunot ang noo na sabi nya "Itali mo na nga lang yung damit ko" baling nya saken saka itinuro ang tali

I knotted her dress. Ang arte naman kasi ng damit nya. It's a simple black long dress. Pero kapag nakita mo na ang likod ay mahihiya ka. It's a very revealing long back that had some knots on it. Yung tali lang mismo ang tumatabon sa likod ni Mitch. Ganyan ka-arte ang damit nya. Wala naman daw kasi si Lance sa party kaya okay lang yung suot nya. Yun ang sabi nya.

"Malalagot ka talaga kay Lance kapag nalaman nya ito" paalala ko sa kanya


Hinarap nya ako at nginitian "Hindi naman nya malalaman kung isusumbong nyo ako. Right?"


Napairap ako sa sinabi nya "Yeah right. Whatever"


Lumapit saken si Yanny at ipanakita ang gold at silver heels na hawak nya "What do you think is the best?"


Tinuro ko ang silver heels na hawak nya "I think this will suit you best"


Tiningnan nya muna yung heels na tinutukoy ko bago tumango "I like this one too. Thanks"


"Your welcome" sabi ko naman


Sabay naman kaming napatingin sa may bungad ng pinto ng kwarto ko dahil sa may biglang kumatok "Ready na ba kayo? Kanina pa naghihintay sina Sophie at Bree sa baba." sabi ni ate Megann na ngiting-ngiti


"Almost done" sabay na sabi namin ni Yanny. Yung heels na lang kasi ang kulang at good to go na kami


Tumango-tango naman sya saka binalingan si Mitch "Mag-a-apply ka bang FHM model? Masyadong revealing naman ng suot mo" puna nito


Nginitian naman sya ng matamis ni Mitch "Nope. Not a chance. Baka magalit si Lance"


Katulad ng ginawa ko kanina, inirapan lang din sya ni ate Megann sa suot nya. "Bumaba na kayo after five minutes. Kailangan na nating umalis"


"Okay" sagot naming tatlo bago umalis si ate Megann na iiling-iling

Nang makalabas na ng kwarto si ate Megann ay agad kong binalingan si mitch. Nakakaloko naman kasi! Bakit ba kasi bigla-bigla na lang sumusulpot si ate Megann. Ayan tuloy, nabuko kami.

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon