Chapter 42

3.1K 110 7
                                    

Yanny's POV

Damn! Kung hindi lang talaga ako pinigilan nina Bree at Lianne ay hindi lang pasa ang makukuha ni Kevin saken. Argh!

"Damn it. Just damn it!" inis na sinipa ko ang ilalim ng kama ko.

I was fuming mad. The heck! Kahapon pa ako inis na inis. Kahit ano atang bagay sa paningin ko ay nakakainis. I never experience this kind of emotion. Ngayon lang! At dahil yun sa lecheng katotohanan na ipinagtapat ni Kevin samen kahapon. And the heck of him anyway. Tss.

Naupo ako sa kama ng mapagod ako sa kakasipa sa kama ko. "Salamat naman at napagod ka din sa kakasipa. Hindi ka man lang naawa sa kama mo. Walang kasalanan pero pinagbubuntunan mo ng galit." luminga ako sa may pinto ng kwarto ko at nakita ko si Lianne na nakasandal sa may pinto


Inismidan ko sya "Don't you know the word manners?"


Inirapan naman nya ako "Try it on yourself first. Okay"


Naiiling na lang ako sa kanya. She walked towards me. Tiningnan ko lang sya. "What do you need?" Alam ko naman talaga ang ipinunta nya dito pero dahil sa naiinis ako ay tinanong ko pa din sya.


Tiningnan nya ako ng masama "Don't play dumb Yanny. You know why I'm here"


Inismidan ko sya. "Kahit anong sabihin ninyo ay hindi ako papayag. No. Never!" pinal kong sabi


I heard her sigh "You should at least give it a try"


"Give it a try?" may halong inis na sabi ko "Seriously Lianne. Si ate ang nakasalalay dito"


"I know" maagap nyang sagot "We all know"


Umiling ako saka tumayo "Hindi
lahat ng bagay na gustuhin man ng isang tao ay hindi agad-agad makukuha. That's not reality"

Flashback


May scheduled meet up ako ngayon pero na-posponed dahil may biglaang pinuntahan ang ka-meeting ko. All in all, taong bahay lang ako buong araw. Kasama ko lang sina Lianne at Bree. May sariling lakad sina Sophie at Mitch.


Fifteen minutes before ten o'clock in the morning, dumating sina Victor kasama ang mga kaibigan nya. Ang alam ko ay next week pa nila kami pupuntahan dito. May usapan na kasi kaming mag-outing before kami umuwi ng pilipinas. Yes. Uuwi na kami. Whether I like it or not. Kaya nga inaayos ko na lahat ng trabaho ko bago pa man kami umalis. Yung sa meeting naman ay okay lang na hindi ako makapunta. Proxy lang naman ako dun ni Mrs. Furushima. She's cool if I'll go back in the Philippines. Matagal na din naman nyang sinabi saken na dapat umuwi na ako.

"What brought you all here?" tanong agad ni Bree ng makalapit na sila sa pwesto namin. Isa-isa naman silang ngumiti samen.


"Change of plans" simpleng sagot ni Gian

Naupo sila sa mahabang couch sa may sala. Lianne prepared drinks for them. Naikwento nilang aalis na din pala sila next week kaya nagpunta na agad sila dito. Hindi nga lang nila sinabi kung saang lugar sila pupunta. Well, hindi na namin sila pinilit kasi personal na desisyon na nila yun.


Inakbayan ako ni Victor "Miss me or miss me?" nakangising sabi nya


Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon