Chapter 50

2.6K 100 0
                                    

Mitch's POV



Research my ass! Tss. Akala ko pa naman ay sadyang matalino lang talaga si Jared para malaman nya ang totoong ako. Yun pala ay may tulong ng research at kilala na nila kami bago pa man namin sila makilala. Parang nangyare na ito dati?


Deja vú


"HOY!"


"Ay butiki!" Napatalon ako sa gulat dahil sa ginawa ni Lianne


Naiiling naman na natatawa sya "Lalim ng iniisip ah. Si Lance na naman ba?"



Just hearing his name makes me pissed off. Ilang araw na nya akong hindi tini-text o tinatawagan. Noong pinuntahan ko naman sya sa bahay nila ay wala sya. Ang nandun lang ay si tita at si Chloe. Pinuntahan ko na din ang tambayan nila pero wala din sya. Ni anino nya o ng mga kaibigan nya ay hindi ko nakita.



I rolled my eyes "Wag mo ng banggitin"


"Ooooh" pasimpleng umupo sya sa tabi ko "Cool off?"


Sinamaan ko sya ng tingin "Wag mo akong igaya sayo"


Natahimik sya sa sinabi ko. Oops! I think I just hit her below the belt "I'm sorry" maagap na sabi ko


Umiling sya "No. It's okay. Totoo naman ang sinabi mo. Dapat wag mo akong gayahin"


"Hindi pa din ba kayo okay ni Bryan?" pag-iiba ko sa topic


Umiling ulit sya "Hindi pa. Sa tingin ko ay wala talaga syang balak makipag-ayos saken. Sya na lang naman ang hinihintay ko. Okay na ako pero sya? Ni text ay wala akong natanggap at saka alam ko naman na alam nyang nagpalit na ako ng number."


"Boys are boys" nasabi ko na lang


Tumingin sya saken saka tumango "Yeah. Definitely"


"Tita Mitch" nabaling ang atensyon namin sa isang maliit na boses na tumatawag saken


"Oh, hello there gorgeous. You need something?" linapitan ko ito at pinaupo sa lap ko


"No tita" Umiling ito "I just want to ask a question"


Binalingan ko si Lianne saka si Emily "What is it? Something wrong?"


"Why aren't you opening the gate?" inosente nitong tanong


"Huh?" Napatanga kong tanong


"What do you mean gorgeous?" tanong ni Lianne


Binalingan naman sya ni Emily "Its been a minute since someone's pressing the doorbell yet you didn't open the gate"



Napalaki ang mata ko. Tumahimik ako pati si Lianne para pakinggan kung may nagdo-doorbell nga. Ganun na ba kami kaseryoso kanina para hindi namin mapansin na may nagdo-doorbell na.


Shocks! Meron nga.


Agad kong binaba si Emily at dali-daling lumabas para buksan ang gate. Kami lang dalawa ni Lianne ang naiwan sa bahay para batayan si Emily. Nasa grocery store pa kasi ang tatlo.



"Sorry natagalan ---" natigilan ako "Ate Megann?"


Mukha syang balisa "We have a problem"


"Ano yun?"


"Elli's daughter is missing" sabi nito na ikinatawa ko "What's funny?"


Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon