Chapter 17

3.8K 118 8
                                    

Sophie's POV




Hello New York! And hello designing world! Hay. Pangatlong araw na namin dito pero hanggang ngayon ay nandito pa din kami sa unit nina Dontee. Tsk. Hindi na kasi namin ma-contact parents namin miski si ate Elli tapos yung letcheng driver na yun ay hindi naman kami pinuntahan. Haist!




"Oh san ang punta mo?" tanong ko kay Yanny na bihis na bihis


Inayos nya muna ang skirt nya bago ako sagutin "Maga-apply ako sa isang agency dito. Nakita ko kasi sa internet na naghahanap sila ng marketing manager. Pasok naman ako sa requirements nila kaya I will give it a try. And besides, ayoko naman na naka-tengga lang ako dito" paliwanag nya


"Ganun ba? Sige. Mag-ingat ka. Good luck na din" sabi ko


"Thanks" yumakap sya saken "Pakisabi sa kanila na umalis muna ako pero wag mong sabihin na maga-apply ako. Okay?"


"Okay. Sure. Bye" sabi ko




Isang tingin ulit sa salamin bago sya umalis. Good luck Yanny. I trust her skills kaya sigurado akong makakapasok sya sa kompanyang pagta-trabahuan nya.




Ako kaya? Gusto ko ding mag-apply. Siguro naman ay pasok din ako kahit na pang-junior designer muna sa ngayon. Hindi ko pa kasi nakukuha ang certificate ko sa designing event na pinuntahan ko. Credentials pa naman yun.




"Oh Sophie. Nasaan sila?" napatingin ako sa kusina ng magsalita si Dontee



Hay! Hindi ko maintindihan pero ang init ng dugo ko sa lalakeng ito. Ewan ko ba!



"Umalis si Mitch. Kasama ni Franco sa hospital. Umalis din si Yanny. May pupuntahan daw sya. Sina Bree at Lianne ay natutulog pa din. May iba ka pa bang tanong?" medyo inis kong sabi


Napakunot ang noo nya "Wala na. Siguro? I guess so"


"Yeah. Right!" at inirapan ko pa sya




Naupo na lang ako sa couch nila. Manonood na lang ako. Baka may makita pa akong kapaki-pakinabang kesa sa makipagtalo pa kay Dontee na ngayon ay alam kong nakatingin saken at nakangisi pa. Pshh.




Lipat lang ako ng lipat ng channel. Wala kasi akong makitang maganda. Puro cartoons at news lang ang nakikita ko.




"Try mo yung channel 48" sabi ni Dontee na tumabi pa saken.




Inilipat ko na lang ng walang gulo. At nagulat pa ako kung anong channel yun. My gosh! Ito ang hinihintay ko. Isang fashion design channel.




"Your welcome" rinig kong sabi ni Dontee na nilalantakan na ang pagkaing ginawa nya




Hindi na lang ako nagsalita at tahimik na nanonood. Nagbibigay kasi ng tips ang host ng channel at may mga binibigay silang ideal design for every occassions pati na din sa pwedeng sumuot ng damit.




"Sana makasama ako sa designing team nila" bulong ko


"I can help" napatingin ako kay Dontee na ngayon ay ngumunguya na


"Paano?" tanong ko


Inubos nya muna ang kinakain nya bago sya ulit magsalita "May mga kilala akong fashion firms na nagbibigay ng chance para sa mga newborn fashion designer. Pwede kitang i-recommend"


Seriously? "THANK YOU!" hindi ko napigilan at nayakap ko sya


"Told you, you'll need my help someday" natatawa nya sabi


Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon