Chapter 43

2.7K 95 7
                                    

Author's POV


Tahimik na tinahak nila ang daan pabalik sa dating bahay ng mga girls kasama ang mahimbing na natutulog na si Yanny. Labag man sa kanila ay tinurukan nila ng pampatulog si Yanny. Umuwi sila ng Pilipinas sa ayaw man nito o hindi. They are here to fix everything.


Hindi na sila nag-abala pang magdala ng madaming damit dahil marami pa din naman ang naiwan nilang damit sa dati nilang bahay. Naging matagal ang byahe pabalik sa pilipinas kaya kinailangan nilang bigyan ng mahabang pampatulog ang bisa para kay Yanny.


"This will be a war" Naiiling na sambit ni Francis habang nakaunan sa kanyang hita ang ulo ni Yanny


Umiling naman Bree "Don't worry. Kami ang kakausap sa kanya "


Halos lahat sila ay tulog na maliban kay Francis na inaalalayan si Yanny, si Bree na nakatingin lang sa daan at ang driver na sumundo sa kanila.

Walang may alam na ngayon sila uuwi dahil naging biglaan ang kanilang desisyon. Matapos na ipaliwanag sa kanila ni Kevin ang lahat ay agad silang pumayag sa gusto nito. Alam din nila na kapag nalaman din yun ni Yanny ay maliliwanagan din ito. Sarado lang ang isip nito ngayon dahil mas nangibabaw ang galit nito kay Kevin.


"Its been a long time since I saw our house" anunsyo ni Bree ng makababa na sya ng sasakyan


Naka-abang sa tapat ng gate ang caretaker ng bahay nila. Agad na binuhat ni Francis si Yanny papasok ng bahay. Isa-isa namang ginising ni Bree ang mga kasamahan nya. Madaling araw na sila nakarating.


"Babalik na lang kami dito bukas" inaantok na sabi ni Lois ng makitang okay na ang mga girls


Tumango naman si Sophie "Alright"

Napagkasunduan ng lahat na tulungan si Kevin. Matapos kasi nilang malaman ang kabuuan ng naging kwento nito ay nakaramdam sila bigla ng awa para dito. Alam nilang mahirap mangulila lalo na sa sarili mong dugo at laman.


Flashback

Matapos mag-walk out ni Yanny ay sila naman ang pinakiusapan ni Kevin. I feel pity on him. He looked so stressed. Hindi ganito ang itsura nya noong sinabi nya samen ang katotohanan noong nasa beach sila. It's like the Kevin in front of them is different. A way different.


"Tulungan nyo ako. Please" seryosong sabi ni Kevin


Nagtaas ng kilay si Lianne "And why is that?"


Hindi nakasagot si Kevin kaya si Dontee na mismo ang sumagot "I'll be hard for him to explain everything. So, I'll be the one to do it" sabi nito "Sya at si Elli ay nagkaroon ng anak."


"Wait. Anak?" takang taka na tanong ni Sophie "Anong anak ang sinasabi nyo?"

Ipinaliwanag muna nila kina Mitch at Lianne ang nangyare kanina. Every detailed. Kasama na din pati ang suntok at sampal na ginawa ni Yanny.

"Seriously?" Bulalas ni Mitch


Tumango naman si Jared "Yes. It's true"

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon