Chapter 18

4.1K 118 4
                                    

Mitch's POV



Kaya ko ba ito? Yan ang paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. Hindi ko kasi makapa sa sarili ko kung kakayanin kong i-manage ang business ni Franco.




"Okay ka lang?" tanong ni Franco at ibinigay saken ang cappuccino na in-order nya




Nasa isang coffee shop kami ngayon. Matapos nya kasing ipaliwanag lahat ay dinala nya ako dito. Sabi nya kasi, relax muna ako.




"Hindi ko alam" wala sa sariling sabi ko


Tumawa naman sya kaya napatingin ako sa kanya "Kaya mo yan Mitch. Alam kong kaya mo" buong tiwala na sabi nya


"Paano ka naman nakakasigurado na kaya ko?" tanong ko


Nagkibit-balikat sya "I heared, your family business is good at managing. So, I think you can be like your parents"


"Hindi!" so, kaya nya ako gustong mag-manage dahil sa success ng parents ko? Hay!


Uminom muna sya ng kape nya bago sya ulit sumagot saken "Mitch. Kahit naman hindi ko marinig ang tungkol sa business ng parents mo ay sa iyo ko pa din ipapa-manage ang hospital"


"Franco! Hindi biro ang mag-manage ng business lalo na at hospital ang business mo" sabi ko


"I know. Kaya nga sa iyo ko ipapamahala eh. A good daughter is a great manager" tapos kinindatan nya ako


"Saan mo naman nakuha yan?" ang tinutukoy ko ay yung sa 'a good daughter thingy'


"Sa draft ng story ng kapatid ko. Ate ko kasi ay isang writer. Naging magandang tandem nga kami. Sya writer, ako naman ay isang doctor slash psychologist" paliwanag nya


Napabuntong-hininga na lang ako "Sana lang talaga magawa ko ng ayos ang lahat. Wish me luck, please" sabi ko


"Good luck Mitch" sabi nya at ininom ulit ang kape nya




Haist! Six months? As a manager? Kaya ko ba talaga? Sana makaya ko. Please lang! Masyadong malaki ang tiwala ni Franco saken para sirain ko lang yun.



Lance's POV



Mag-isa akong pumunta sa resort na pinuntahan nina Mitch. Actually, private resort ko yun. Hindi ko sinabi kay Mitch na may sarili na akong resort. Gusto ko kasi syang sorpresahin pero dahil sa biglaang problema ay hindi ko na nagawang ma-sorpresa sya.



Malaking pasasalamat ko din kasi maraming connection ang pamilya ko kaya kahit papaano ay kumikita ang resort ko. At itong resort na mismo ang personal na hina-handle ko. After na maka-alis ng bansa sina Mitch.



Napabuntong-hininga na lang ako. Pumulot ng bato sa may tabing dagat tsaka ko ibinato. "Ang tagal naman ng isang taon. Gustong-gusto ko na ulit mayakap si Mitch" bulong ko




Umupo ako sa may buhanginan. Kung hindi lang talaga nagkaroon ng problema. Pakakasalan ko dito mismo sa resort ko si Mitch. Hay!



Naalala ko yung sinabi ko sa kanya noong sa text. Napaka-gago ko talaga! Pero hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Kailangang-kailangan kasi.



Flashback


(Chapter 3: Mitch - Lance moment)



Bago pa mag-alas onse ng umaga ay naka-ayos na ako at ready to go. Kailangan ko pa kasing dalhan ng pagkain si Mitch sa trabaho nya. Actually, sa ojt nya. Alam ko kasing kapag nagutom si Mitch ay sobra kaya bawal akong ma-late.



Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon