Kabanata 2

38 7 0
                                    

Kat's

"Kat! Bakit ngayon ka lang? Akala ko nahuli ka na ng mga pulis!" Tarantang salubong sakin ni Joyce pagpasok ko ng bahay nila. Dinamba pa nya ako ng yakap kaya natawa ako.

"Ayos lang ako Joyce. Wag ka ngang magdrama" natatawang sabi ko sa kanya.

"Gaga ka! Bumalik pa kaya kami ni Mami V doon kagabi pero wala ka. Ano bang nangyari sayo? May costumer ka bang sinamahan?"

"Wala. Umuwi na ako sa bahay dahil medyo malayo itong lugar nyo" nakahinga naman sya ng maluwag at saka ako inakay papasok ng bahay nila.

"Buti naman ligtas ka" sabi pa nya kaya nginitian ko lang sya.

Pagdating sa sala ay naabutan ko si Karissa na nanonood ng tv habang kumakain ng biscuit kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Mama!" Gulat na sabi nya at patakbong lumapit sakin kaya agad kong binuka ang mga bisig ko para salubungin sya. Kinarga ko sya at pinaghahalikan sa pisngi. Mukhang bagong ligo rin sya dahil ang bango bango nya at iba na rin ang damit na suot nya. Saan kaya nakuha ni Tita Siony ito?

Buti na lang at nasanay na siguro syang wala ako pag gabi kaya hindi na sya nagtatanong kung saan ako galing.

"Kumain ka na ba?" Tanong sakin ni Joyce kaya tumango ako at nagpasalamat na lang sa kanya.

Agad rin kaming umalis ni Karissa sa kanila. Balak kong maghanap ng trabaho ngayon. Kahit ano, basta matutustusan ko ang pangangailangan ni Karissa sa araw araw.

Napakamot na lang ako sa ulo ko nung hanggang sa magdilim ay wala akong nakitang trabaho. Binigyan pa ako nung isang manong ng dyaryo para dun daw ako maghanap pero paano ko gagawin yun? Hindi maintindihan ang mga nakasulat dun.

Bigo kaming umuwi ni Karissa. Ang sakit ng katawan ko dahil maghapon kaming naglalakad. Buhat ko pa ang anak ko at hindi rin biro ang timbang nya kaya sadyang nakakapagod.

Pagkatapos kong pakainin at patulugin si Karissa ay kinuha ko ang isang lumang abakada. Bigay sakin to ni Sarah noon at pag may libre syang oras ay tinuturuan nya akong magpantig.

Dahan-dahang binuklat ko yun at pilit inaalala ang mg turo nya. Naluha na lang ako nung sumakit ang ulo ko kakaaninag sa maliliit na sulat na naroon. Tanging liwanag lang kasi ng gasera ang tanglaw ko. Hindi ko alam kung bakit nawala ang kuryente, siguro ay nalaman na nung may ari na may nakikijumper sa kanila kaya tinanggal na ang linya ko.

"Ba .. ka" mahinang panting ko sa mga letra. Patuloy ang pagluha ko pero patuloy din ako sa pagbabasa. Gustong-gusto kong matuto para naman pag dumating ang panahong mag-aaral na si Karissa ay matututunan ko rin sya.

Kumuha din ako ng ballpen at kagat labing isinulat ang pangalan ko.

'KAT'

Mapait na napangiti ako. Pati pangalan ko ay hindi ko alam. Kat lang kasi ang natatandaan kong tawag sakin ni Nanay noon kaya nagpaturo talaga ako kay Sarah kung paano isulat yun.

Tuluyan na akong napahagulhol nung maging ang tanging tanglaw ko ay nawala. Siguro ay naubusan na rin ng gas. Bakit ba ganito ang buhay ko? Bakit kailangang danasin ko yung ganito?

-

Kinabukasan ay sinubukan ko ulit maghanap ng trabaho. Idinaan ko na lang si Karissa kay Sarah kanina para pabantayan. Buti na lang at hindi busy si Sarah ngayon.

"Malandi ka! Pati asawa ko, nilandi mo!" Napatingin ako sa kabilang direksyon nung nakarinig ako ng sigaw. Nakita ko ang isang babaeng kinakaladkad ng isang ginang palabas ng isang karinderya.

PalagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon