Kabanata 7

38 7 1
                                    

Kat's

"Wow ang dali lang pala nito Tito Kel!" Agad kong narinig ang masayang boses ni Karissa pagbaba ko ng hagdan. Medyo natakot pa nga ako kanina dahil nagising akong wala sya sa tabi ko.

Nakita ko silang dalawa ni Michael na naglalaro ng mga makukulay na sticks sa coffee table habang magkatabing nakaupo sa sahig.

"Galing naman ng baby ko. Isa pa nga, what if meron akong six na color red tapos dinagdagan ko ng three na color blue ilan na lahat lahat sila?" Narinig kong tanong ni Michael sa malumanay na boses. Dahan-dahang lumapit ako sa ginagawa nila para makisilip.

Nakita kong may mga pulang sticks at asul na sticks na hawak si Karissa at isa-isa nya itong binibilang.

"9 na sila lahat lahat Tito!" Pagkuwa'y sigaw ni Karissa kaya natawa naman si Michael at ginulo ang buhok nya. Lihim na napangiti ako. Ang ganda nilang tingnan dalawa.

Agad na ngumiti naman si Michael nung napalingon sya sa gawi ko. Mukha syang walang pasok dahil hindi sya nakauniporme. Wala din atang pasok si Karissa dahil hindi ako ginising ng maaga ni Michael para asikasuhin ang bata.

Nilahad nya ang kamay nya na parang inaabot ako. Nagtatakang kinuha ko naman yun. Hinila nya ako palapit sa pwesto nila kaya napaupo ako sa tabi nya.

"Karissa, isasali natin si Mama ha" nakangiting sabi nya sa anak ko. Ngumuso lang ang bata at tumango. Mukhang nagtatampo pa rin sya sakin dahil hindi sya makatingin. Naramdaman ko namang marahang pinisil ni Michael ang kamay ko kaya pilit na nginitian ko lang sya.

"Karissa, show mo nga kay Mama na magaling ka na magcount" narinig ko pang sabi nya. Agad namang kinuha ng anak ko ang mga sticks at binilang yun isa-isa. Bawat numerong binabanggit nya ay sinisiksik ko rin sa isip ko.

Marunong akong magbilang ng tagalog pero hanggang sampu lang. Hindi ko pa alam yung english pero parang natatandaan ko naman yung mga sinasabi ni Karissa. Inuulit ulit ko yun sa isipan ko.

"Ikaw naman, Mama. Count ka din?" Napatingin naman ako kay Michael nung iabot nya sakin ang mga stick. Umiling lang ako sa kanya pero muli nyang pinisil ang kamay ko at nginitian ako.

"It's okay. Nandito ako" Bulong nya sakin kaya napatango ako. Dahan-dahang inabot ko ang mga stick at tiningnan yun.

"One .. t-two?" Kada banggit ko ng numero ay tumitingin ako kay Michael. Ngumingiti naman sya at tumatango tapos ay sinesenyasan akong magpatuloy.

Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nung pumalakpak yung dalawa pagkatapos kong banggitin ang 'ten'

Nagawa ko ba ng tama?

"Ang galing ni Mama! Karissa, kiss mo nga si Mama" narinig kong utos nya sa anak ko. Umiling naman si Karissa at sumiksik sa tagiliran nya para itago ang mukha. Napayuko na lang ako..

"Baby? Anong napag-usapan natin kanina?" Malambing nyang tanong sa bata kaya napatingin ako sa kanila.

"Dapat po love ko si Mama" mahinang sagot naman ng anak ko.

"Bakit ayaw mo syang ikiss?"

"Kasi Tito zero ako dun sa assignment namin. Nagpaturo ako sa kanya" agad namang tumulo ang luha ko nung naalala ko yung pag-iyak ng anak ko kahapon.

"Anak, makinig ka sakin ha" sabi ulit ni Michael at sinapo ang mukha ni Karissa.

"Mahal na mahal ka ni Mama at hindi nya ginustong mangyari yun. Kaya nga kasama na natin syang mag-aral ngayon para next time, mas matuturuan ka na nya ng maayos" malumanay pa rin ang pagsasalita nya.

PalagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon