Kabanata 23

29 6 2
                                    

Kattleya Isabelle's

"Kat, sorry talaga. Hindi ko naman alam na si itay pala ang stepfather mo noon. Hindi ko rin kasi siya palaging nakikita dahil minsan lang siya dumalaw sa bahay. May ibang pamilya daw yun sabi ni Aaron" kagabi pa iyak ng iyak at humihingi ng sorry sa akin si Ella pero hindi talaga ako makapagsalita.

Gulong-gulo ang isip ko ngayon habang nakatingin kay Michael mula sa labas ng ICU. Hindi pa ako umuuwi mula kagabi dahil hinihintay ko siyang magising. Bukod kasi sa saksak na natamo nya ay may namuo ring dugo sa ulo nya dahil sa ilang beses na paghataw ng dos por dos kahapon ng mga demonyong halang ang bituka.

Akala ko, wala ng isasakit pa sa mga pinagdaanan ko noon pero kagabi, habang pilit na ni-rerevive ng mga doktor si Michael ay pakiramdam ko'y nahahati ako sa gitna sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ilang beses nagflatline ang monitor na nakakabit sa kanya pero hindi siya sumuko. Lumaban siya at sa awa ng Diyos, okay na siya. Yun nga lang, hindi pa rin gumigising hanggang ngayon.

Wala naman akong galit kay Ella. Wala siyang kasalanan dun at alam kong masakit din para sa kanya ang makitang walang malay ang Kuya nya.

"Ate Kat! Kamusta si Kuya?" Napalingon ako nung nakita kong tumatakbo palapit sa pwesto namin sina Laia at Lia kasama si Makoy. Iyak sila ng iyak nung nakita ang kalagayan ng kapatid.

Napaiwas ako ng tingin. Bakit ba sila umiiyak? Hindi naman mamamatay si Michael. Hindi siya pwedeng mamatay. Hindi nya ako pwedeng iwan.

Minsan lang ako maging selfish. Buong buhay ko, hindi ako naghangad ng mga bagay na alam kong hindi para sa akin. Pero si Michael, alam kong sa akin siya at hinding-hindi ko siya isusuko. Kung kinakailangang lumuhod ako sa lahat ng simbahan, gagawin ko para lang bumalik siya sa akin.

"Ate Kat, kami na muna ang magbabantay kay Kuya. Umuwi muna kayo ni Ate Ella para makapagpahinga kayo" narinig kong sabi sa akin ni Lia pagkaraan ng ilang oras.

"Tara, Kat. Baka hinahanap na rin ako ni Ada"

"Ikaw na lang ang umuwi. Kailangan ko pang bantayan si Karissa sa kwarto nya" narito din kasi ang anak ko dahil sa mga galos at pasa na natamo niya. Si Nanay Janeth naman at si Ada ay hinatid muna ni Andrew sa bahay ni Michael.

"Ako na lang ang magbabantay kay Issa, Ate Kat" sabi naman ni Makoy pero umiling lang ako.

Gusto kong ako ang unang makita ni Karissa pag nagising siya. Kagabi ay iyak siya ng iyak habang pilit na tinatawag ang Tito Kel nya. Tapos kaninang umaga nung nagising siya, bigla siyang nagsisigaw at parang takot na takot.

Kaya talagang doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Mukhang nagkatrauma na rin si Karissa dahil sa mga nasaksihan at naranasan nya kahapon.

"Laia, sumama ka na lang sa'kin at kumuha ka ng mga gamit ni Kat. Makoy, samahan mo na lang si Kat sa kwarto ni Karissa para doon na siya magpahinga" narinig kong utos ni Ella sa mga kapatid kaya nagsisunuran naman ang mga ito.

Inalalayan ako ni Makoy patungo sa kwarto ni Karissa na nasa kabilang panig ng ospital.

"Dito ka na muna mahiga, Ate Kat. Baka ikaw naman ang magkasakit. Sinturunin pa kami ni Kuya pag nagising siya" tinuro ni Makoy ang couch na naroon kaya tumango na lang ako. Nahahapong umupo ako doon at sa pagpikit ng mga mata ko, unti-unting rumagasa ang luha ko.

Bakit kung kailan masaya na ako, bakit naman nangyari to?

Akala ko wala na si Uncle Anton pero bakit bumabalik at bumabalik pa rin siya para guluhin ako.

Love, wag mo akong iiwan. Parang awa mo na.


Bandang hapon na ako nagising. Nakita ko na sa isang tabi ang mga damit at pagkain na dala siguro ni Laia. Napatingin ako sa bed ni Karissa pero hindi ko nakitang nakahiga doon ang bata. Buhat-buhat siya ngayon ni Makoy at pilit na nililibang. Nasa harap sila ng malaking bintana na nahaharangan ng salamin habang nagtuturo ng kung ano doon sa labas. Narinig ko namang humahagikhik na ulit ang anak ko.

PalagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon