Kabanata 19

31 5 0
                                    

Kattleya Isabelle's

"Good evening, Sir. Here's your -- anong ginagawa mo dito?!" Nanlaki ang mga mata ko nung nakangising mukha ni Michael ang bumungad sa akin. Hindi ko nakitang pumasok siya dito sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko kanina kaya hindi ko akalaing siya pala yung costumer na pagdadalhan ko ng order. Nagpa-assists lang naman sa akin yung kasamahan ko dahil masyadong madami ang inorder ng 'costumer' namin.

"Kakain. Bawal ba ako dito?" Nakataas ang kilay na tanong nya.

"Wala ka bang trabaho? Maaga pa ah!" 6 pa lang kasi ng gabi. Dapat nasa trabaho pa rin siya.

"Baby, nagugutom ako. Sabayan mo muna ako" nakangusong sabi nya sabay yapos sa bewang ko kaya napasinghap ako at tumingin sa paligid. Nag-init ang pisngi ko nung napansin kong marami ang napatingin sa pwesto namin.

"Michael, may trabaho ako. Papagalitan ako ng manager namin" Bulong ko sa kanya pero ang walanghiya, parang walang pakialam.

"Nasaan ang manager nyo? Kakausapin ko"

"Ano ka ba?! Hindi pwede yun" lalo tuloy siyang ngumuso at parang tutang tumingala para tumingin sa akin. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti dahil ang cute nya. Ang laking lalaki pero parang maamong tuta habang nakayapos sa bewang ko.

"Please, baby. Kanina pa ako dito dahil hinihintay kita pero hindi mo naman ako pinapansin"

"Hindi kita nakikita kanina"

"Ang sipag mo kasi. Pagod ka na ba? Halika ma-massage kita" kumindat kindat pa siya kaya lalong nag-init ang pisngi ko.

"Michael ha! May trabaho ako!" Pinanlakihan ko pa siya ng mata pero natawa lang siya.

"What? Inosenteng offer yun!"

"Kilala kita! .. Bitaw na. Kumain ka na lang diyan. Babalik na ako sa trabaho" bumuntong hininga lang siya at umalis sa upuan nya. Nanlaki ang mga mata ko nung lumuhod siya sa harapan ko at masuyong inangat ang paa ko.

Kanina pa kasi yun masakit dahil kanina sa school ay naka-heels ako. Hindi naman ako sanay sa ganun kaya talagang nagsusugat ang paa ko.

"Anong ginagawa mo?" Napahawak ako sa mesa nung ipinatong nya sa hita nya ang paa ko. May dinukot siya sa bulsa at naglabas doon ng tatlong bandaids. Masuyong inilagay nya yun sa mga sugat ko habang panaka-nakang hinihipan pa yun. Ganun din ang ginawa nya sa kabila.

"Masakit pa ba?" Malambing na tanong nya kaya napailing na lang ako. Nangingiting tumayo siya at pabirong tinapik ang ulo ko.

Nanlaki ang mga mata ko nung tinawag nya ang manager namin. Bigla akong kinabahan nung lumapit sa amin si Mam Nora.

"Sige na Kat, samahan mo muna si Sir. Magbreak ka muna"

"Pero mamayang 8 pa po ang break ko"

"Okay lang yun. Nandiyan naman si Jessa saka kakaunti pa lang naman ang mga costumer" sabi nya pa kahit na puno naman ang lugar.

Napakamot na lang ako sa ulo ko at alanganing tumango. Nginitian lang ako ni Mam Nora at tumalikod na. Tatawa-tawang inalalayan naman ako ni Michael paupo sa upuang kaharap nya.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata habang ihinahanda nya ang mga pagkain ko. "Magkakilala ba kayo ni Mam Nora?"

Natigilan siya at napakamot sa ulo nya. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

"Oo"

"Bakit kayo nagkakilala?"

"Facebook friends?" Lalo lang akong napasimangot sa sinabi nya. Halatang nagsisinungaling.

PalagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon