Kabanata 15

43 4 2
                                    

Kattleya Isabelle's

"Sige na Kat, sama ka na sa amin. Kakain lang tayo" yaya sa akin ng mga kaklase ko.

Ngayon ang unang araw ng pasok ko sa kolehiyo. Kaninang umaga ay takot na takot ako lalo na nung pinagsalita kami sa unahan. Hindi pa rin talaga ako sanay na may nakatingin sa akin na maraming tao. Isa pa, nangangapa pa rin ako dahil iisang taon naman ang experience ko sa formal schooling.

"Naku hindi pwede e. May trabaho pa kasi ako" magalang na tanggi ko sa kanila. Nakakatuwa lang na mukhang mababait naman ang mga kaklase ko. Kahit unang araw pa lang ay sobrang approachable na nila at hindi sila nagsasawang sagutin ang mga tanong ko. Lalo na kanina na hindi ko naiintindihan ang ibang sinasabi ng mga prof namin.

"Naku sayang naman. Pagkakataon na kasi sana natin ngayon para magbonding. Alam mo na, yung mga susunod na araw ay siguradong nakakastress na"

"Next time na lang, Angel. Kailangan ko kasi talagang pumasok sa trabaho e" natanggap kasi ako bilang crew sa isang fast food chain.

Sobrang thankful talaga ako na natanggap ko dun kaya gagawin ko ang lahat para hindi magsisi ang management na tinanggap ako. Ang sarap lang mag-apply pag kumpleto ang papel mo. Hindi ka na titingnan ng mga tao na parang kakaiba.

"Sige. Ingat ka na lang, Kat. Next time na lang" matamis na ngumiti naman siya at saka nagtatakbo na papunta sa mga kaibigan nyang blockmates din namin.

Huminga ako ng malalim at saka kinuha ang phone ko para magtext kay Michael. Baka magtampo na naman kasi yun. Mamayang 12:30 am pa kasi ako makakauwi ng bahay.

Ang schedule kasi ng klase ko ay 8am - 2pm tapos dederetso ako sa trabaho from 3pm - 12 am. Medyo mahirap dahil wala masyadong pahinga pero kakayanin ko naman. Mabilis lang naman siguro lilipas ang apat na taon.

Si Karissa ay inaalagaan ni Nanay Janeth. Ilag pa rin sa akin ang ginang pero nakikita ko namang may malasakit siya sa anak ko kaya malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kanya.

Hindi ko nga alam kung anong magic ang ginawa ni Karissa sa kanya pero sobrang close nila ngayon. Minsan nga, sa kwarto pa nya natutulog ang anak ko.

"Good afternoon, Kat" nakangiting bati sa akin ng gwardya ng fast food chain na pinapasukan ko kaya binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti. Mababait naman ang mga kasamahan ko dito. Isang linggo na rin kasi akong nagtatrabaho.

Agad akong nagtungo sa staff room para magbihis at magpusod ng buhok. May 10 mins pa naman ako bago ang duty ko kaya pansamantala ko munang kinuha ang syllabus sa bag ko.

Napakagat ako ng labi nung hindi ko maintindihan ng mga topic na naroon. Magpapaturo na lang siguro ako kay Michael pag free time nya. Gusto ko kasing mag advance study para hindi na ako mahirapan sa mga susunod na araw.

Medyo kinakabahan pa nga ako dahil sabi ng prof namin kanina ay magsstart na daw ang reporting next week. Wala pa naman akong experience sa ganun kaya natatakot talaga ako. Baka mapahiya kasi ako.

Nung oras na ng duty ko ay lumabas na ako ng staff room. Nakangiti ako habang bumabati sa mga costumer habang nagpupunas ng table o di kaya ay kumukuha ng mga orders nila.

"Kat, mag break ka muna" bandang 8 pm ay nilapitan na ako ng manager namin at sandaling pinagpahinga.

Ang sakit ng mga binti at likod ko. Unang araw ko pa lang na pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho ay parang binugbog na ang katawan ko. Ano pa kaya pag madami na kaming gawain sa school?

Pagkatapos kong kumain ay chineck ko muna ang phone ko. May limang missed calls na dun mula kay Michael kaya habang may natitira pang oras sa break ko ay tumawag muna ako sa kanya.

PalagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon