VII - KIANNA'S MAGIC!

41 1 0
                                    

We headed to the dormitories at siyempre roommates kami ni Kianna.

“Omg cous, parang sleep over lang araw-araw, pero bonggaaaaa!” makikita sa mukha ni Kianna ang saya, excitement at hindi maimagine na mga bagay.

Ganyan talaga yan parang timang pero sweet yan topakin nga lang.

“Hoy! alam ko iniisip mo ha!” sigaw ni Kianna.

Nagulat naman ako. “Sige nga ano bang sinabi ko?” tanong ko sa kanya.

“Sabi mo topakin ako, kala mo hindi ka topakin ang kapal ng mukha mo ha,” galit niyang sabi.

“Teka, paano mo naman nabasa ang nasa isip ko, e hindi ko pa naman sinasabi?” tanong ko.

“Parang naririnig ko lang, naririnig ko ang boses mo at yung mga nasa utak mo,” sambit niya.

“Kianna, that's your magic. You are a mind reader!” masaya kong wika.

Sakto naman na gusto kong malaman ang nasa isip ni Arthur kaya nagpatulong ako kay Kianna upang malaman ito.

Pumunta kami ni Kianna sa room nila Arthur at Kreo.

“Oh anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Kreo.

At siyempre hindi mawawala ang kacornyhan ng dalawang lovebirds.

“Gummybear!” sigaw ni Kianna.

“Gummyworm!” sigaw naman ni Kreo at nagyakapan ang dalawang timang.

“Back on the topic, so ano nga gagawin niyo dito?” wika ni Arthur

“Ah wala, gusto lang namin tignan ang room niyo,” mabilis ko sagot.

Lumapit ako kay Kianna, “Dali na basahin mo na utak niya” bulong ko.

Kaagad namang sinubukan ni Kianna pero nagulat ako sa sinabi niya. “Bes hindi ko mabasa, parang may harang na ewan, it's like a barrier,” sagot niya.

Kaagad naman kaming lumabas ng kwarto ni Kianna nang makita naming nakahahalata na sina Kreo at Arthur.

“Anong nangyari Kianna? bakit kaya?” naguguluhan kong wika.

“Hindi ko rin alam, siguro may limitations din ang magic ko, like hindi mo malalaman ang nasa puso ng isang tao, o kung anong romantic feeling ang nararamdaman niya,” wika nito.

“Wow! ang galing mong magsalita bes, puwede kana sa Miss Universe,” pambibiro ko at sabay kaming nagtawanan nang malakas.

Lumipas ang isang oras at alas nuebe na ng umaga.

“Bes, bea ‘diba magmemeet kayo ni Tyler ngayon?” tanong ni Kianna.

“Oo bes, teka nag-aayos lang ako,” sambit ko.

“Ano bang meron sainyo ng Tyler na ‘yon, I can smell something fishy, ” pambibiro niya.

“Ano bang pinagsasabi mo?” wika ko.

“Aminin may something sa inyo, or gusto ka nung hunk na ‘yon, pero by the way team Arthur parin ako,” pambibiro pa nito.

Napangiti ako at naalala nanaman ang ikinilos ni Arthur nung nakaraan.

Hindi bali na nga, e ano bang pake niya hindi niya naman ako gusto. I can do whatever I want.

Naglalagay ako ng blush on upang magmukhang maganda ako, naglotion din ako para hindi maging dry ang skin ko at pinagpabango ko rin ang Victoria's Secret na pabango ko.

Hindi ko piniflex ah, sadyang mabango kasi talaga parang isa akong matamis na bulaklak.

Tumayo na ako at tinignan kung maayos ba ang buhok ko, ayos naman kaya lumabas na ako ng pinto.

Nagulat ako nang makita ko si Arthur, maghahi sana ako kaso dumeretso na siya at hindi nanaman ako pinansin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HEARTS OF MAGIC [ONGOING]Where stories live. Discover now