VI - JEALOUSY

27 1 0
                                    

Habang naglalakad kami ni Tyler ay nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.

"Libre kaba sa Sunday?" asked Tyler.

"Oo naman," I answered

"So can we meet at a café and watch a movie? it's also part of my apology for what I did to you last time," he uttered.

Nag-isip muna ako at nag-assume, paano kung magselos si Arthur?

Erase. Erase. Erase.

Bakit ko ba iniisip si Arthur e wala lang naman ako sa kanya, I'm just his normal friend though.

"Hey Treya, you okay?" nagulat ako nang magsalita si Tyler.

"Ha? ano? Wala akong ginagawang masama," gulat na gulat kong sigaw.

He smirked.

"BAKIT KA TUMATAWA!?" wika ko habang nakakunot ang mga kilay ko.

"Your reaction is just so funny," he even laughed harder.

"By the way, Treya. What's your answer about my question a while ago?" he asked.

"Uhm, sure no one will be bothered though, I'm in!" I answered and smiled.

I don't know why but it feels like this already happen, I already felt this, and I am feeling it again.

The butterflies are trying to escape my tummy.

"Alright then, I will go ahead and you also go to your room," wika niya.

"Sige, ingat ka," wika ko pabalik.

Nagbabye ako sa kaniya na parang bata, sabagay baby naman ako ni ano... Ni... ay wala pala.

Habang naglalakad ako pabalik ng classroom namin ay nakasabay ko si Arthur.

"Oh Arthur tara sabay na tayo pumasok," I said.

He just nodded and walked rapidly.

Did he just ignored me?

Alam ko namang kahit cold 'yon sa'kin noon hindi niya naman ako iniignore.

Did I do something wrong that he'd ignore me?

Pumasok na'ko sa room at kaagad siyang tinignan.

Iniwasan niya ako ng tingin.

That made me confused and worried.

Something weird is really happening with that peculiar man.

Sinalubong naman ako ni Kianna.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong niya.

"Ha? W-wala to." sagot ko.

"E anong wala, para ka kasing lumulutang sa hangin," wika niya.

"Tanga, ayos lang ako ghorl, tara na magsisimula na ang klase,"

Just like what happened with the first class, the second class finished so early and now we'll go home already.

"Ha? gusto ko ng ganitong school, kaagad umuuwi," sabay na wika nina Kreo at Kianna.

"Ay destiny talaga tayo," sabay nilang wika at natawa nalang kami dahil sa mga nangyari.

Kitang-kita sa mukha nila ang ginhawa at saya. Unlike kasi sa normal schools ang boring at ang haba ng oras ng bawat subject, dito depende nalang sa teacher at activity ang haba ng bawat klase.

We immediately headed to the principal's office to ask my grandma.

"Granny? saan po ang dormitories?" tanong ko.

"Apo ituturo sa inyo ni Miss Dhianna, she'll guide you to your dorms, each room will have 2 persons, at siyempre sa pag-iingat narin ay parehong babae ang magkasama ganoon din sa mga lalaki," sagot ni Lola.

"Marami pa akong tinatapos apo kaya, mauna na kayo sa dorm niyo," dagdag pa nito.

"Sige po Lola," sagot naming apat.

Habang naglalakad patungong dorm ay iniisip ko parin si Arthur.

ANO KAYANG PROBLEMA NUNG ADIK NA 'YON?

HEARTS OF MAGIC [ONGOING]Where stories live. Discover now