EU

17 0 0
                                    

Elai
so hi my name is Elaiza Hera Narra.
Like opo Narra puno.
16 hehe
Cute, #godprincess #single
Charot
So ayun na nga.
Basta naalala ko natanggal si mama sa trabaho niya bilang katulong.
At syempre wala kaming bahay kaya suma-sama kami sa kanya sa trabaho nya and tumutulong na rin.

Sabi ni mama yung bahay namin ewan binagyo daw tapus di na nakapagtayo ulit kaya here us.

Buti nga at mababait ang napapasokan ni mama e at pati kami cargo well di naman kami pabigat nuh, syempre alam namin naghihirap si mader kaya tulong tulong na din.

Well I have a damohong brader.
8 years old si Klaus Miguel Narra.

Ang tatay namin? , ewan kung nasaan, basta sabi ni mama sumakabilang mundo na daw.

Ang tanging ala-ala ko lang sa kanya ay yung araw na binigay nya sa akin ang mahiwaga kong singsing na ginawa kong necklace. At yun lang.

Lungkot at mahirap buhay namin.
Bat ko pa papalungkotin lalo diba?
Dapat positibo lang.
Laban...

Noong nakahanap na si mama ng bagong trabaho sa pamilya ng mga Frost doon nagbago mundo namin.

Ang yaman nila grabe hacienda baby.
Anlake ng mansyon.
Meron pa silang sobrang lawak na bakuran, at fish-pond at basta sobrang yaman nila una akala ko titira na kami ni mama sa  bukirin kasi parang gubat na pero hindi pala hacienda pala at para talagang nasa bukid na kami.

Nagbago buhay ko mula ng makilala ko sya.

Si baby Luna, lalake sya pero Luna name nya. Pogiiii...
As in yung mata nya green tapus super itim ng buhok nya parang uling tapus kinis pa parang pinalake sa kojic tapus mamulamula pa.

May kapatid sya papi din.
Si kuya Ice ang we-weird ng pangalan nila. Ice Harson Frost tapus yung bunso nilang kambal si Summer Tylor at si Rain Hailee ang cutieee. I think nasa 5 taong gulang pa ata sila.

Si kuya Ice sobrang cheerful kavids kami tapus si Summer sobrang sweet sarap kagatin ng pisngi tapus si Rain ang talino naman at mejo nerdy pero malambig din naman habang si Luna shuplado mga teh, di naman as in pero lam mo yurn may sariling mundo.

Pero ok lang cute ka pa rin.

Akala ko yun na yung magpapabago ng buhay ko.
Di pa pala may twist and shout pa.

Isang linggo palang kami.
Sa araw araw na pagaalaga ko ng hacienda dito.
Umuwi si father in law ay deh joke.
Umuwi si Mr. Frost ang amo ni mama.
Handa na akong ipaglaban ang pagiibigan namin ni baby Luna e.
Joke ulit ni hindi ko nga sya malapitan man lang o makausap.

Pantasya ko lang yun ano ba...

So ayun umuwi lang sya tapus ayun nagpaparty ang sambahayang Frost.
At dahil naka assign naman ako sa paglilinis sa labas e hello alas 3 pa lang mainit pa si haring araw nuh here muna ako sa malamig naming room char.

At dahil nga pamilya kami binigyan kami ng isang kwarto. Double deck yung higaan ako sa taas si mama at si Klaus may tae sa puwit sa baba, at hehe air-conditioned pa ang room namin socialin.

Nagaaral ako para sa pasokan patapus na ang Mayo at magpapasokan na ulit at sa boung buhay estudyante ko sinisipagan ko talaga magaral para kahit dito makabawi ako kay mama.

Enchant UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon