Elai
" Ok alphabetical tayo, we all have the whole afternoon for this. The first and last person alphabetically will be the match. Am I clear?, Others please be sitted, til I call your name."
P. E namin ngayon at kailangan mapatumba namin ang opponent namin by our own strength.
Umupo muna ako at pinagmasdan ang unang pair. Katabi ko sina Tanya at si Heart na busy sa jowa nya ngayon makipagharutan.
Nang matapus na ang unang pair ay tinawag na si Heart at ang opponent nya ay si Jade Alison isang art mage.
Sa una pa lang pinaulanan nya na agad si Heart ng mga pininta nya na nagiging totoo pero pinanlaban ni Heart ang mga casted water spell nya.
In the end natalo nya si Alison.
"Karl Phoenix and Night Butterfield, next"
P na agad. Nagiba agad ang aura pagpasok ni Nigh at Karl sa ground.Akala ko matatalo agad si Phoenix pero ang lakas nya din. No wonder kasali din sya sa class X. May dala dala syang isang libro kaya akala ko wizard sya or something.
Pero nagulat ako nang tapatan nya si Night. Naglabas sya ng isang malaking toro sa libro. Ang galing lang.
Nang akala na ng lahat ay tapus na ang laban dahil wala na si Karl at kinain na sya ng shadow dimension ni Night ay biglang may lumipad na nagangat sa kanya sa pagka hulog sa shadow ground kung tawagin ni Night.
Isa yung eagle pero nang mai-angat na sya ay bumagsak din sya. Ibig sabihin hangang doon lang ang kaya nya pa sa ngayon.
Saka may lumabas sa libro na maliit na nilalang na parang halaman lang saka pumatong sa balikat ni Karl.
"Hmmmm.. Xyphix. Isang healing living plant creature. Usually ang may ganyan ay mga healer lang."
Huh? Bakit ako wala?"Probably because his mother is also a healer kaya meron sya nyan."
Nakikinig lang ako sa usapan ni Tanya at Paula.Ang lalakas nila di ko alam kung kaya ko bang tapatan ang lakas nila.
"Narra and Crimson"Patay. Ako na.
Dahan dahan akong naglakad papuntang grounds dahil sa kaba.
Squeezing my hands, lalo lang akong kinabahaan after kong makita ang katapat ko.Benedict Crimson. Kung di ako nagkakamali isa sya sa mga kausap ni Minerva noong araw na yun.
Kung may perfect timing man para patayin ako, ngayon yun. Wala na akong marinig sa kaba ko, kahit alam kong chinicheer ako nina Paula.
"You have to control yourself Elai dummy. Or you'll die as soon as they know your true ability."
Naalala kong mga salita ni Luna sa akin. Kaya una pa lang wala na akong balak lumaban. Kahit ilang beses na ako natatamaan ng mga explosion na pinapatama nya sa akin pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Kahit sugat sugat na
"What are you hiding Narra?, Why can't you fight me?, Do you belittle me?" Ngumite pa si Benedict.Hindi pwede, alam kong ilang sandali na lang ay limitasyon ko na.
Mahirap controlin ang sarili kong ability sa ganitong pagkakataon habang inaatake ako ng kalaban.Pinosisyon nya ang mga kamay nya handa na akong paulanan ng explosion.Pero heto ako walang balak lumaban at pagod na, pagod na kakaiwas.
Saka sya nagpaulan ng explosion sa akin. Hindi, Hindi pwede akong sumuko agad.