A/N.
Please know that the work is still unedited so expect misspelled and grammatical error.
Thank you for understanding.
Enjoy
________________________ELAI
NANG makarating kami ay tahimik na ang mansyon at tulog na si Klaus nang makapasok ako sa kwarto, maaring napagod sa school nya.
Sa pagod ko ngayong araw ay nakatulog din agad ako, muntik pa akong mahuli ng bangon, at nagaantay na sina Kuya Ice at ang iba pa.
Nagaabang sina Summer, Rain at si Klaus na naka uniporme na rin papasok para magpaalam.
Ayon sa protocol ng EU maari kang magsimula sa pagaaral sa unibersidad nila pagkatapus ng primary year mo or elementary days.
Kaya sina Summer at Rain pati na rin si Klaus ay sa mga normal na paaralan pa lamang.
Umiiyak pa si Summer noong nagpapaalam sa amin. Ang cute cute at naka pajama pa.
Si mama kagabi pa nagpaalam at andaming habilin.
Di na sya makakapag paalam ngayon dahil magiging busy daw sya.NANG magsimula na kaming byumahe ay napuno ng katahimikan ang kotse at tanging music lang ni kuya Ice ang maririnig.
Grabe ang kaba ng dibdib ko, pakiramdam ko ito na ang bagong simula ng buhay ko.
Lagpas isang oras na pero nasa kalsada pa rin kami, sa gitna ng traffic ng edsa, kaya maya-maya ay naka tulog na lang ako.
"I don't think soo"
"You know Dad wanted to meet her."Naalimpongatan ata ako at nagising na naguusap ang magkapatid.
"He would be just like her."
"Bridges, but I doubt it. Siguradohin mong walang nakakaalam kung nasaan man sila."Boses yun ni Luna mukhang may seryuso silang pinaguusapan.
Kaya bumangon na ako, di man lang sila nagulat na gising na ako."Hey sleepy head, nag drive thru kami. You seems having a good dream kaya kami na rin ang nagorder sayo. Here, eat it malayo- layo pa rato."
Pagalok ni kuya Ice ng isang paper bag ng isang fast food.
"I hope you don't mind yan lang kasi ang pinaka malapit naming nakita kanina "
"Ayus lang kuya thank you."
Saka ko kinain ang burger at may fried chicken pa sa loob.Tanghali na pala at sa nakikita ko smooth na takbo namin di tulad kanina na sobrang traffic.
Saka kami lumiko sa isang di pa sementadong daan. May na daanan pa kaming maliit na bayan, tapus bukirin.
Grabe nasa Pilipinas pa ba ako?, Parang ang layo na namin, kaya nakatulog na naman ako.
Alas 3 na ng magising ako dahil sa bato bato naming nadaanan, at mapuno na parang wala ng nakakapunta dito na parte.
HALA!!,
kinakabahan tuloy ako baka saan nila ako dalhin at hindi talaga totoo ang EU. Balak lang nila akong dispatchahin.
Papatayin na NILA AKO!!
"SH*T, ANO BANG NANGYAYARE?"
Dinig kong boses ni kuya Ice na parang nagpapanic na sa pag dadrive."ARE THERE SOMEONE FOLLOWING US?" Naalimpongatan din ata si Luna at nagising sa tabi ni kuya Ice.