Elai
First day of school magkasabay kami ni Tanya sa dining hall at sa lahat ng aming gawain.
Sobrang saya ko kasi for the first time since the long time may kaibigan na ako sa school.
Luckily sa first subject ay kaklase din namin si Heart habang si Paula ay mamaya pa daw ang klase.
"Elaiza Hera, please be seated next to Mr. Butterfield." HALA!
Ayaw ko po!!, Nakakatakot sya, tumayo lang ako sa gitna na parang stick, di man lang gumalaw.
Si Heart katabi nya si Tanya, Tapus meron pang bakanteng upoan sa tabi ni Tanya, doon na lang ako.
"Ms. Narra?" Sinisinyasan na ako ng prof namin na maupo na don pero di parin ako gumagalaw.
Habang si Mr. Night Butterfield ay sitting pretty.
Nakalimotan ko pala ngayon ay naka uniform na kaming lahat. Isang above the knee na skirt na kulay navy blue na may red strip. Tapus puting blouse at royal blue din na necktie at suit na royal blue.
Parang Yung mga nakikita sa mga anime. Tapus black sacks at white shoes.
Pareho lang naman ang design sa babae at lalake pero syempre hindi sila naka skirt, naka slacks sila na same ng color sa amin.
So back to reality at ilang beses na akong tinawag ng prof pero naka tayo parin ako dito at di man lang gumagalaw.
Nakatingin na lahat sa akin at may nagaabang pa sa likod.
"Ms. Narra is there any reason why you can't be seated with Mr. Butterfield?"
Wala akong choice kundi umupo na lang sa tabi nya.
Kung iisipin kasi literal na katabi ko sya, as in. Ang table ay design into pair of seat na parang pang grade I pero medyo improving naman sya kasi hindi magkadikit ang upoan at table.
Nasa tabi ng bintana si Night at ako nasa daanan, kaharap ko si Tanya so ok na rin tas sa left side naman ay si Heart na kanina pa dumadaldal kahit bali-baliko ang pagtatagalog.
Ano ba yan mag kaklase pa kami ni Night nakakatakot talaga ang aura nya.
"Sorry I'm late...."
Hinihingal na dumating si Luna,
Thank god at least may mapagkakatiwalaan ako.Tuwang tuwa akong irepresenta ang bakanteng upoan na kasunod ng disk namin. Dahil tatlo na lang ang natitirang bakante at nakaupo na ang lahat.
"Alright, next to Mr. Jordan, Mr. Frost." Si Jordan ay magisang nakaupo sa bakanteng space kasunod sa akin.
Hehe. Diri- diritchong umupo si loko at inartihan pa ako ng tingin. Luh arte nito kala mo naman e.
Merong anim na row at anim na line, at nasa pang apat na line ako ng pangapat na row.
"Alright I am your prof. Jean Wang. I am your Gen-math teacher and I am a spatal mage. And I don't give a damn about your ranking system, here in the Philippines. Para sa akin bagsak ka kung bagsak ka, walang kapangyarihan o meron man."
Naalala ko Jean din yung kausap ni Kuya Ice dati, pero baka ibang tao yun.Nilibot nya ang kanyang mata sa boung klase at sa akin tumigil.
"You, the only girl in the line number four, in row four."Tiningnan ko ang boung line ko saka na realize na napapalibutan pala ako ng mga lalake.
Dahan- dahan akong tumayo, kinakabahan ako kaya pinihit ko aking mga daliri.
I'm still wearing gloves. I can't take them off ever unless maliligo.