Elai
Ang sabi sa akin ay sa Hulyo pa magsisimula ang klase ng EU.
At wala daw dapat akong dapat alalahanin pa, sagot na daw ni Mr. Frost lahat.
Kaya ang ginawa ko lang ay magaral ng pwede kong maaral.
Nasa kalagitnaan na ng hunyo kaya grabe na ang kaba ko.
Paano pag scam lang to?Paano kung pinasok lang kami para pag experementohan?, Gawing NPA?
Drug pusher?, O war machine?Wag naman andami ko pang pangarap.
Dahil gabi na at pinapatulog ko na ang mga cutie dito sa mansyon sa pamamagitan ng pagbabasa ng bed time stories.
"Yayo Elai, can you show us your magic?"
Tumatalon pa sa tuwa si Summer.
Ang cute nilang tingnan sa pajama nila at naka braid pa silang dalawa.Pinilit nila ako kanina na ako raw gusto nilang magbasa ng bed time stories nila at i- braid ang mga buhok. Ang cute tuloy nila tingnan.
"Uhm, eh di ako marunong ng magic tricks Summer e." Napakamot pa ako ng ulo.
"Stop it Summer she's different."
Pagsita ni Rain sa kambal."But Kuya Ice and Kuya Luna used to show us their-"
"She's different. We are different, we should sleep before Kuya Ice will come and know we are over working yayo Elai"
Matalino talagang bata si Rain at mature minsan magisip.Napasimangot tuloy si Summer.
"Mmmmm, but I want more bed time stories?"Patay, ano ba yan ubos na english ko ngayong araw e. Pero sige na nga.
"How about I'll read you new one?"
Di ko namalayang nasa likod na pala si Kuya Ice nagsigawan tuloy ang kambal at nagtatabok papunta sa kuya Ice nila.Save
"Yey!, New stories kuya Ice!"
Karga karga pa ni Kuya Ice si Summer habang nakahawak naman sa laylayan nya si Rain."Elai, Dad wants to talk to you with Luna"
Nilagpasan nya ako at umupo sa paanan ng higaan ni Rain.
Hala. May nagawa ba akong mali?
Masisitante na naman ba kami dahil sa akin? O Kay Klaus?Kinabahaan tuloy ako. I squeeze my fingers sa kaba.
Narinig ko pang tumawa si Kuya Ice.
"Relax, it's about your school, paki daanan na lang si Luna." Ok less kaba na pero anjan pa rin.
Nangmasimula na ang kwento napatigil ulit ako nang marinig ang title.
Harry Potter.
Gusto ko rin yun mabasa, marinig. dati nakikinood lang lang ako sa mga amo namin di ko pa matapus kaya putol putol."Elai..."
Napansin pala nilang di pa ako umaalis."Pero... Uhmm.. sige.. night kuya, Summer, Rain"
Wag na lang nakakahiya saka di na naman ako bata. Pero pwede ko kayang hiramin yun?
Habang naglalakad ako palapit sa kwarto ni Luna nakita ko kaagad sya nagaabang sa labas ng pinto.
Kasunod kasi ng kwarto nya at hagdan patungo sa office library ni Mr. Frost."Took you soo long"
Nagmartsa agad kami paalis nakasunod lang ako sa kanya."Pasensya na"
Dumuko ako sa pinihit ang aking mga daliri.