Last days

8 0 0
                                    

Elai

Habang nagdadrama ako dito sa magubat na parte ng hacienda, nasa dulong parte na pala ako.

Kasunod nito ay maliit na lawa, paano ko nalaman?
Nagtour kami dati dito. Ayun Kay kuya Ice bawal daw dito pumunta ng walang permiso.

Since gumaan na ang pakiramdam ko, saka ko lang napansin ang disturbance ng lawa, na parang may naglalaro.

HALA!!! Di pa ba sapat ang magic magic ngayong araw at may pa multo- multo pa??

Give me a break....

Sinundan ko yung ingay na na ng gagaling sa lawa. Kaya siguro sabi ni kuya Ice ay bawal pumunta dito ng walang permiso kasi may nagmumulto.

Dahan dahan akong nagtago sa isang bush, malapit sa tubig.

Sobrang ganda ng nakikita ko, wala namang may sabi may magandang engkanto pala dito?.

Sobrang ganda nya, para syang sumasayaw sa hangin habang sumusunod sa mga galaw nya ang tubig.

Para syang lumiliwanag dahil na din sa repleksyon ng buwan sa tubig.

Too enchanting, ang kisig nya kahit nakatalikod sa akin.

Maya-maya ay tumigil na din sya sa pagsasayaw pero nakatalikod pa rin sa akin.

"What are you doing here?"
Huh?, Kita nya ako?, Si Luna lang pala e pero anong ginagawa nya rin dito?

"Stop hiding I know you're in there." Paano? Nakatalikod pa rin sya pero kita nya ako.

Tumikhim muna ako bago tumayo at magsalita. "Pasensya na, aalis na rin ako, bye. Patuloy mo lang ang pagsasayaw. Adios"

Saka ako tumalikod. Saka ko napansin na umiilaw pa rin pala ang mga halaman sa paligid ko.

Di naman grabe yung liwanag nila dim lang pero sapat na para mapansin ng iba, kaya nya siguro ako napansin agad.

Pahamak naman.
"Why do you keep running from yourself Elai?"

Napatigil ako sa paghakbang.
Naalala ko kung paano sumunod sa mga galaw nya yung tubig kanina.

Water bender pala sya?

Panaginip lang to, pagod ka lang Elai,
"Kasi, kasi... Takot ako, kasi alam kong hindi to totoo. Alam kong sinumpa lang ako,kami ng pamilya ko, kapahamakan lang kung totoo man ito."

Saka ako maingat na naglakad ulit, nakakailang hakbang palang ako napatigil ulit ako ng maalalang di ko pala maalala ang daan pa balik.

Kaya napagdesisyonan kong makipag bonding muna kay Luna.

"You saw me manipulate the water around me. Do you think it's a cursed?, You know your brother is also different but you still refuse to believe?, Why?"

Daming tanong nitong taong to, curious ba sya sa akin? Yieee baka mainlove ka.

"Di ko alam basta may part sa akin na naniniwalang joke time lang to o panaginip o ano man.. yun ang sabi nila sa akin."

Umupo ako sa gilid ng malaking bato habang magkaharap na kami.
Yieee ganda ng hubog ng katawan ng bebe Luna ko.

"Sabi nila baliw lang daw ako. Ayaw ko namang patunayan ang sarili ko sa kanila, sabi ni mama sasaktan lang daw nila ako."
Pagpapatuloy ko

Enchant UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon