Eli
Pagkatapus ng gabing yun naging payapa naman ang mga araw ko.
Only may pakiramdam akong may laging nakatingin, other than that palagi kong kasama si Tanya.
Minsan sila Heart din.
Parang best friend ko na nga si Tanya e, mula paggising hanggang sa pagtulog magkasama kami.May mga oras nga lang na magkaiba ang klase namin pero sabi ni Night wag ko na daw isipin yun, ang mahalaga ay palagi ko syang kasama sa mga libreng oras at may malikom akong impormasyon sa totoong pagkataohan ni Tanya.
Lumipas na din ang birthday ni Klaus at noong tumawag ako ay tulog na raw agad, kaya si mama na lang nakausap ko.
Walang prenong paalala, sermon inabot ko, kung kumakain ba daw ako ng maayus, yung mga labahan ko wag ko daw pabayaan. Wag ko raw pairalin katamaran ko, makipag kaibigan daw ako, and many many more.
Noong araw ng herbal chem ay bago para sa akin, di lalagpas sa anim lang kami pero nakakatuwa, andami kong natutunan.
Like paano gamitin ang ganitong halaman sa paggagamot pag eexpirment iba sa mismong chemistry pero gumagamit din sila ng periodic table pero ang cool ng periodic table nila
Yung mga halaman mismo ang compound na meron sila at kung ano ano pa.
Tapus may herbiology pa. Biology ng mga ginagamit naming halaman may mga mage kasi daw na di katulad ng human body structures or sensitibo dahil na rin sa mga kapangyarihan nola.
Kung suswertihin pa nga raw ay baka makaencounter pa kami ng mga nasa myth.
Then the unknown subject class X defense, last week kasi ay nagkaroon ng announcement at that time magkakameeting daw lahat ng teacher so walang pasok, kaya walang class X defense.
Bale two weeks ng nagdaan sa pagaaral ko dito sa EU, iniisip ko tuloy kamusta na kaya ang BTS?
Sobrang fan kasi ako nyan dati, panahong jejemon pa sila.
Charot, pero sa loob ng two weeks ang tambayan namin ni Tanya ay library, nag aact normal lang ako sa tuwing nakikita ko paminsan minsan si Madam Maneuvara.
Este Minerva.
"Fearless I like it"
" Ay kabayo-"
Andito kasi ako ngayon sa laundry area ng EU habang si Tanya naman ay tinali ko muna sa kwarto.Jokieeee, may mens cramp daw sya kaya pati damit nya tuloy ako na naglaba.
Papabayad ako laters, di jokes lang
ako mismo nagpresenta na ako na maglalaudry total pasok mo lang naman mga damit mo tapus antay ka mga 45 mins tas tupi mo na lang ganun."Saw you often in the library Narra, ang hirap mo tuloy pasundan"
Wow sya pala mismo naglalaba ng mga damit nya dito?, Di halata.
Mukhang spoon feed kasi tung taong to e lam mo yun?, Yung laging may gumagawa nang chores nya, yung tulad ng mga pacool na lalake, pogi-pogi
E wala namang alam gawin sa gawain bahay, puro papogi lang alam.
"Ikaw pala gumagawa ng labada mo Night?" Naamaze lang talaga ako sa kanya.
Pogi naman sya halatang alagang alaga, kahit nga ngayon na naka simpling pangtulog lang sya pogi nya parin tingnan.
Naka pajama sya tapus grey na t-shirt at black hoodie.
"Why can't I?"
"I can't trust anyone so I must live independently."