Chapter 13

234 38 3
                                    

Clyde's Point of View

Sa isang dungeon, kahit cleared na pwede paring e-cleared ulit. Isang beses lang din pwedeng pumasok ang isang player sa dungeon, kung nakapasok kana sa dungeon na iyon, di kana pwede pang pumasok ulit.

Take the Goblin's Zone for example. Kung ang isang player ay naka-pasok na once as Goblin's Zone at na failed sa pag clear, hindi na ito maaring umulit pa. You can't enter twice to the same dungeon.

Once na naclear ang isang dungeon it automatically announced. May world notification na matatanggap ang bawat isang player.

Maraming mga players ang nagtatarget ng Dungeon para maka-kuha ng kasikatan. Pero hindi madali ma-clear ang isang dungeon, pagka't mayroon itong time limit and besides kadalasang ina-announce ng System ng Divinity Online ay yung nga worthy lang talaga. Yung mga teams lang na nakatapos sa isang dungeon nang mas mababa kesa sa time limit at yung mga naka-new time record.

Pumapasok ang mga player sa isang dungeon dahil aside sa malaki ang Exp na binibigay, maganda rin ang loots lalo na pag napatay mo ang Dungeon Boss. Ang level ng dungeon boss ay naka-depende sa kung ano ang level ng dungeon. Mayroong mga level ang mga dungeon, kadalasan sa mga player tinitignan muna ang level ng dungeon bago pumasok. Sinisiguro muna kung kaya ba nilang e clear ang dungeon na iyon.

Kung makikita nilang may tiyansang di nila ma clear ang dungeon ay di nalang sila tutuloy sa pagpasok. Some players didn't want to take risk, isang beses lang nila pwedeng pasokin ang isang dungeon kaya dapat pag iisipan muna nila kung kaya ba nila ang dungeon.

Across the DiVoN bihira kalang makakita ng mga dungeons, dungeons are not rare but not common either. Kadalasan yung mga dungeon na na-discover at na-clear na ang mga nagibg target ng mga player, may iba naman na painstakingly search of dungeons.

Ngayon na bago pa lang ang Divinity Online, walang masiyadong dungeon ang na-cleclear at nadidiscover. Kaunti pa lang ang nadiscover na dungeon pagka't sadyang mahirap hanapin ang isang dungeon, sometimes it depend on one's luck.

I'm sure ngayon hindi lang ako ang nagmamadaling maka-punta sa Goblin's Zone. Sa tiyansa ko ay sa labas pa lang ng dungeon may mga away nang nangyayari. Normal lang ang mga ganito, di nila dinadaan sa salita ang kung sino ang mauunang pumasok sa Dungeon, palakihan ng kamao nalang ganon!

Sa mga duel or teamfight, hindi nalalaglagan ng items ang isang player. It is a rule that set by the Game Admins, as long as there's someone initiate a duel on you then you accept the challenge, kahit na mamatay ka sa laban niyo hindi ikaw malalaglagan ni isang items at wala ring half a day can't log in punishment.

Dahil sa rule na ganon ay di takot ang mga players makipaglaban sa isang duel or team fight.

Kadalasang makikita ang mga players na nag-lalaban ay sa labas ng isang dungeon, parang nagmamadali makapasok sa isang dungeon at gustong ma announce yung kanilang IGN sa buong Philippines server.

Hindi naman sobrang layo sa Yncray ang dungeon na "Goblin's Zone" kaya di ako inabot ng siyam-siyam upang maka-rating sa kinalalagyan ng dungeon.

Pagdating ko sa may Dungeon banda, ayon sa inaasahan ko sobrang daming players na ang nandirito. Mayroong mga players na nag-lalaban. Duel or party (team) habang ang iba ay nasa gilid lang at nanonood sa labanang nangyayari.

Hindi ko pinansin ang mga naglalaban at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa may tarangkahan ng Dungeon. Tinignan ko muna kung mayroon bang mga players na nasa loob but soon I found out na wala pang players sa loob. No wonder kung bakit sobrang intense ng labanan dito.

Divinity Online [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon