Chapter 11

250 42 4
                                    

Clyde Point of View

Nandito ako ngayon sa Canteen kasama ang aking mga kaibigan ,tahimik lamang akong naka-upo sa bangkuan habang silang apat ay nagkukwentuhan. Oo apat,di kasi nakikisali si Jake.

Nagkukwentuhan sila habang kumakain, feeling ko nga kami lang este sila lang ang pinaka-maingay dito sa loob ng Canteen eh, minsan nga napapa-tingin ang ibang estudiyante sa direksiyon namin, which is so embarrassing.

But they just ignore it and continue on chatting with each other. Tahimik lang akong kumakain sa isang tabi, paminsan-minsan tinatanong nila ako ng kung ano-ano at sumasagot naman ako. I don't want to be rude.

Sa kanilang pag kukwentuhan ay napunta ang kanilang topic sa most popular game in whole world , the first Virtual Reality Massively Multiplayer Online Role Playing Game or Vrmmorpg. The Divinity Online.

Dahil nga sa Divinity Online ang topic nila ay tumigil muna ako saglit sa pagkain at interesadong nakikinig sakanila.

"Huy! Nabalitaan niyo ba na mayroong New Rising Star Player sa Divinity Online?" Pasimula ni Jana. Rising Star? Di ako pamilyar sa sinasabi nilang Rising Star kaya mas inigihan ko nalang ang pakikinig hoping na mayroong infos na kasunod.

Di naman ako nabigo at nag patuloy sila sa pag-chika patungkol run sa Rising star Player (kuno)

"Hindi eh, offline ako that time and I forgot sa pag tingin sa Official Page ng DiVoN tungkol sa latest news. Bakit? Ano bang meron sa Rising Star Player na yan?! At sino ba yang rising star?" Tanong ni Jerick. Focus na focus talaga sila sa topic nila.

Di nga nila kami kinukulit na dalawa ni Jake dahil sa pagka focus nila sa topic nila Tungkol sa New Rising Star Player kuno!

"Duh! Ang outdated mo naman Jerick, Don't you know!? Mayroon nang pang sampong player na naka-patay ng level 30 boss! " Jana

" Yeah, sobrang cool nga eh kasi napatay niya mag-isa ang Level 30 boss! Imagine level 30 ang boss tas isang Player lang ang naka-patay" Jel

" Alam naman natin na level 23 ang pinaka-mataas na level currently sa Divinity Online. And the fact na yung player na mag-isa niya lang pinatay ang boss! Ang galing siguro ng player na yun" Jordan

" Baka KS lang? " Jerick asked (Kill steal)

" Hindi Boy, yung Game Admins na mismo ang nagsabi na hindi yun KS kaya confirm na mag-isa lang niyang napatay ang Boss" Jordan

" Eh? Baka may tumulong sakaniya then their team let him to last hit? " Tanong ulit ni Jerick

" Huy! Ano kaba? Ba't panay ang kontra mo sa New Rising Star Player?! Inggit ka lang ano? " Jel

" Ako? Naiinggit dun!? Luh bakit naman ako maiinggit dun kung halata namang mas magaling ako sa player na yun" si Jerick

" Boy, wag kang assuming, sakin pa nga talo kana. Paano pa kaya dun sa Rising Star Player?" Jordan

" Anong mas malakas ka sakin? Dude alam naman nating dalawa na pinagbibigyan lang kita that time" Jerick

" Ulol mo! Anong pinagbibigyan? Once an-" di natuloy ang sasabihin sana ni Jordan nung bigla na lang sumabat si Jerick

" Wait. Wait. Wait. Saka na yang pag ra rant mo dude, sagutin mo muna ako!" Pag pigil ni Jerick na siyang ikinatawa naming apat, pati si Jake napatigil sa pag kain.

At hindi nakapag-pigil si Jordan at humalakhak na, habang sina Jana at Jel naman ay napatakip sa bibig ulang pigilan pa ang pag tawa lalo.

Tumingin si Jerick sa aming apat na mayroong kunot ng noo, "What? Why you guys are laughing?" Naka-kunot noo niyang tanong samin apat na para bang wala talaga suyang idea kung bakit kami tumatawa.

Pilit na itinigil ni Jordan ang kaniyang tawa dahilan upang mapa-hingal siya. Tumayo si Jordan at tinapik-tapik ni Jordan ang balikat ni Jerick sabay saad; "Boy, Hindi tayo talo at di ako pumapatol sa bakla. Tsaka nanliligaw kaba para sagutin kita?" Natatawang saad ni Jordan at maya-maya'y humagalpak ng tawa.

Mas lalong napa-kunot ang noo ni Jerick na dahilan upang mas lalo pang tumawa sina Jana at Jel. Habang ako ay pinipigilan na tumawa, pakiwari ko nga namumula na ang tainga ko.

Maka-raan ng ilang minutong pag tawa ay sa wakas ay huminahon na sila, naka-simangot narin si Jerick habang ako ay nagpatuloy nang kumain, as well as Jake's.

"Teka, di yun ang ibig kong sabihin eh, What I mean is, anong IGN nung Rising Star Player na sinasabi niyo!" Naka-simangot na saad ni Jerick

" Ahh yun ba boy? Kala ko na HAHAHA" Di natuloy ni Jordan ang sasabihin dahil natatawa siya.

Diko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pag kain, paubos narin naman itong kinakain ko

"Dali na, anong IGN nung Rising Star Player na bukambibig niyo?" Tanong ulit ni Jerick

Tumigil sa katatawa si Jordan pati narin ang dalawang babae at sabay na nagsalita " Dark Nymph"

Sa pagka-rinig ko sa IGN ay bigla kong nalunok ang pagkain na nasa bibig ko dahilan upang mabulunan ako at mapa ubo.

"Cough...Cough...Cough" Sa ubo ko ay napatingin silang lahat sakin.

"Boy okay kalang?" Jordan

"Okay ka lang Dude?" Jerick

"Ito tubig John" Jana

" Are you okay?" Jel

Feeling ko namumla na ang mukha ko dahil sa kahihiyan, Oh God, ba't ba kasi nila sinambit ang IGN ko?

Teka wait! Ako ba yung tinutukoy nilang Rising Star Player?! Pero bat diko alam? Ayy oo nga pala diko chineck ang page ng Divinity Online.


Pagkatapos kong uminom ng tubig (kasi nga nabulunan) ay napahinga ako nang maluwag, nagpatuloy na sa pagkain sina Jana

Akmang magpapatuloy na sana ako sa pag kain pero napansin kong mayroong naka-tingin sakin. Inilibot ko ang aking paningin upang makita ang taong nakatingin sakin. Napatingin ako sa harapan ko at nakita kong naka-tingin sakin si Jake.

What?

Bigla akong kinabahan sa klase nang titig niya na para bang nagsasabing "may alam ako sa pagka-tao mo"

Anong alam niya? God, I know matalinong tao si Jake kaya diko maiwasang mangamba. As far as possible, I want my real identity to be secret, as well as yung patungkol sa paglalaro ko ng Divinity Online.

I heave a sigh to calm myself then continue eating. Patapos na ako sa kinakain ko kaya binilisan kona.

Matapos naming kumain ay nanatili kuna kaming naka-upo sa bangkuan namin, ang dahilan? Sobrang busog pa daw si Jerick, pano ba naman sobrang dami ng in-order. Apaka takaw na tao.

So ayon nanatili muna kami sa Canteen. Nung akmang tatayo na sana ako para ayain silang umuwi ay bigla na lamang na tumayo si Jel at nag sisigaw na parang baliw


"Yes, yes, yes. Guys wala na daw tayong klase for this day, lahat ng teacher ay nagkaroon ng meeting kasama ang lahat ng Student Councils, sabi ni kuya." Jel.


What? Walang klase? Yes, makaka-pag laro ako ng Divinity Online mamaya. Tapos naman yung Punishment ko sa pagkamatay sa game, kaya okay na akong maka log in. Half day lang naman kasi yung parusa.

Heh~ Excited na akong maglaro....



Divinity Online, wait for meeeeeee!





A/n; Sorry kung Straight 3 Chapters ang patungkol sa Real world. Sa next Chapters mga guys ay halong Real world and game world.


Vote•Comment•Share

This is EasyKai your author of this story. Hope you guys enjoy reading. Ciao😘

Divinity Online [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon