Chapter 21

79 16 2
                                    

Clyde Point of View

Napabalikwas ako ng bangon at sinapo ang aking dibdib.

Ow that was close.

I thought it will be my end buti nalang may notification. Well thanks for it, di ako na pk-ed (player killed).

Tinanggal ko ang nerve gear at ibinalik sa kahon nito. Tsaka ako ulit umupo sa kama.

Weird. Why though that Phantom tried to kill me?

Niligtas ko mga kasama niya at dapat pa nga siyang magpasalamat doon, but why did he try to kill me?

Haays, wag na nga lang natin isipin yun. Tumayo ako sa kama ko at pumunta sa kusina, tinignan ko ang oras at nakita kong nasa alas siyete na.

Dipa ako nag-dinner kaya tinignan ko kung anong meron sa Ref. Yes may ref ako dito, luma nga lang.

Well nabili ko lang naman to sa kapitbahay ko, aalis na kasi sila nun at lilipat sa ibang bahay, inconvenient naman daw kung dalhin pa nila yung ref nila kaya binenta nalang nila.

I bought it of course, kelangan. Though dagdag kuryente lang ito, binili ko parin 'diko naman ito ipa-andar 24/7. Paminsan minsan e-ooff ko din para di masiyadong malaki yung bayarin ko sa kuryente.

So yun nga, tinignan ko ang laman ng ref ko at may nakita naman akong karne so kinuha ko yun.

Feel ko kumain nang may ketchup ngayon.

Hiniwa ko into small pieces yung karne at nag-hiwa nadin ng bawang.

Pagkatapos ko maghiwa ay nagluto agad ako (di kona e-susulat yung steps sa pagluluto. )

It only took me 15 minutes to finish cooking.

Hinain ko yung niluto ko at agad na nagsandok ng kanin. May kanin pa namang natira kanina kaya di nako nag-saing.

Oooh! Natatakam nako.

Dahil sa gutom na talaga ako ay kumain agad ako, masarap.

Dahil sa nag-iisa nalang ako, natuto akong magluto, and I'm proud of myself that I learn quite well. Masarap din yung luto ko (I guess?)

Kring...

Sarap na sarap ako sa kinakain ko nang bigla akong napatigil dahil tumunog yung cellphone ko.

Napakunot yung noo ko at tumayo. Who's calling? Nagtataka ako, wala naman akong ibang pinagbigyan ng phone number ko, maliban sa Manager nung Grocery Store. And knowing him, di siya tatawag nang ganitong oras.

Lumakad ako papuntang kwarto at kinuha ang cellphone ko, I look at the screen and I saw an unfamiliar number calling at me.

Mas lalong kumunot ang noo ko, Sino to?

Ayokong sagotin kasi diko naman alam kung sino pero nanaig yung kuryosidad ko, at baka may emergency or baka wrong number yung tinawagan?

Sinagot ko ang tawag at hinintay kung ano sasabihin ng nasa kabilang linya.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin ng tumawag sakin, kumunot ang noo ko at papatayin na sana. Baka nang paprank lang.

Nung papatayin ko na sana ang tawag ay bigla nalamang nagsalita ang nasa kabilang linya, at dahil doon napatigil ako at natuod sa kinatayuan.

"Anak..."

It's mom, she's calling.

Naibaba ko ang tawag at napa-upo sa kama. Anak. For how many years, ngayon ko nalang ulit narinig ang salitang iyon.

Divinity Online [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon