Chapter 23

55 12 0
                                    

Clyde Point of View

Napalaki ang mga mata ko habang tinitigan ang lima, at ganun din ito sila sakin, kapwa nanlalaki ang mga mata habang naka-tingin sakin pabalik.

It's them!

Bat sila nandito? Anong ginagawa nila sa bahay namin?

Tinitigan ko ang lima ng maiigi, naapkunot pa lalo ang aking mga noo, seryoso? Anong ginagawa nila dito?

Magkakilala ba sila ng parents ko?

Makaraan ng ilang minuto ay lumakad ako papunta sa lamesa nila, nakatayo lang ako malapit sa lamesa ngunit di ako umupo dito. Ayoko magmukhang bastos.

" Umupo ka anak!" Malumanay na saad ni mama habang naka ngiti, I nod my head at diritsong umupo sa upuan,

" Anak? Anak mo si Clyde tita?"- Jana ask my mother.

" Oo nga tita?"- tanong din ni Jel

Yes, yung J5 ang nandito sa bahay, they're here sitting with my parents. I don't know what's their relationship but it's far of my concern.

Ngumiti lng si mama at tumango sa tanong nila Jana, dahilan upang mapanganga si Jana at Jel.

Tumingin silang dalawa sakin habang takip takip parin ang bunganga nilang naka nganga,

"Gosh, dito ka nakatira Clyde?"- Jana asked me with a disbelieving expression written on her face

"Owemji. Clyde, di namin alam na ang yaman mo pala!!"-patili na saad ni Jel.

Ngumiti na lamang ako at umiling, tinignan ko ang tatlong lalaking kasama nila Jana, wala paring kibo ang tatlo habang naka tingin sakin na tila ba isang statwa na nakaupo sa kanilang bangkuan.

Tinanguan ko na lamang sila Jeric at igagawi ko na sana ang paningin ko kay mama ngunit nahagip nang paningin ko si Jake. At bigla na lamang ako natigilan nang may marealise ako, it's him!

I can't forget those features, those eyes and that kind of expression. It's really him, Phantom!

Why? Bakit sa dinami daming tao, ba't siya pa iyong nais patayin ako? Kaya niya lang ba iyon nagawa dahil di niya ako kilala? Dahil di niya alam na ako at si Dark Nymph ay iisa?

Baka yun nga, afterall 'diko naman nireveal sakanila na naglalaro din ako ng DiVoN. Yun tama yun nga.

Huminga ako ng malalim at ibinaling ang aking paningin sa aking mga magulang.

"Ba't ninyo ako pinapatawag? May kailangan po ba kayo?"- pagsisimula ko sa usapan

Hindi ako naniniwala na kaya nila ako pinatawag ay dahil namimiss lang nila ako. I know, may rason kung bakit nila ako pinapatawag rito.

"Kumain ka muna anak, ipinaluto ko ang paborito mong pagkain. Alam kong di kapa kumakain kaya kumain ka muna, mamaya na natin pag usapan ang mga bagay bagay" nakangiting saad sakin ni mama, at kukunin na niya sana ang serving spoon upang paglagyan ng pagkain yung Plato ko ngunit inunahan ko na siya at agad na nagsandok ng Spaghetti.

Wala akong gana kumain ng kahit ano mang putahe na nakahain sa lamesa, kahit ang paborito kong pagkain dati ay nagmistulang isang normal na putahe. Kumuha nalang ako ng kaunting spaghetti upang hindi ako magmukhang bastos at walang modo.

Kahit na ayaw kong kumain, pipilitin ko nalang, andito mga friends nila mama. Ayoko namang ipahiya sila kahit papaano.

Matapos ko kumuha ng spag ay agad ako sumubo at dagliang ibinababa ang kobyertos, "So, bakit po ba ninyo ako pinatawag? May problema po ba?"

Divinity Online [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon