"Madalas Niyong Hindi Maintindihan"

14 0 0
                                    

Sa pagbukas ng aking mga mata,
Mataimtim kong mainahuna.
Umaga'y pag-iisip ng iba sa akin,
Ang siyang madalas kong pilit intindihin.

Tahimik man o magsasalita,
Lahat ng iyon ay iba ang inaakala.
Akalang para sa iyo'y ikabubuti nila,
Ngunit sa kanila'y masama na pala.

Mas malabo pa sa aking mga mata,
Kaya ako'y para sa inyo ay masama na.
Lagi naman akong nagpapaliwanag,
Ngunit ako lang ang tanging nakakaaninag.

San nga ba ang lugar ko?
O baka naman wala naman talaga sa inyo.
Kailanganin man ako o hindi,
Ang mahalaga ako'y hindi mawawala sa sarili.

Pagod ba talaga?
Bakit iba ang inyong pinapadama?
Pagsuko'y nagbabadya pa,
Siguro nga tama na talaga.

Pumili na lang ng tamang argumento,
Yung lubos ang pagbabahagi ng talino.
May kaakibat na ugaling ikakabuti ko,
Pagkat iyon naman ang mahalaga tungo sa pagka disiplinado.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unspoken ChancyWhere stories live. Discover now