"Hanggang Sa Kamatayan"

35 5 0
                                    

Tila'y sing bilis ng ihip ng hangin ang tibok ng kanyang puso,
Bunsod ng kaba't dahil sa kakatakbo.
Kaliwa't kanan at paikot ikot sa pasilyo.
Hanggang sa nakarating sa madilim na kwarto.

Tawa't iyak ang tangi mong nagagawa,
Sakit na nararamdaman ay iyong binabalewala.
Maituturing ng baliw sa paningin nila,
Di kailan ma'y maiintindihan ng iba.

Maging lihim upang walang maipintas,
Tila ba't nagbabalatkayo ng walang makitang bakas.
Bakas ng nakaraan kaya't humatong sa ganetong dahas,
Tatlong titik ang makakapagtukoy na siya'y may kasalanan.

Sariling anal inyong nilaspatangan,
Ngayo'y natutuliro sa pinapakitang asal.
Di makilala sa naging akto ng itinuturing mong prinsesa,
Sa pangalawang pagkakataon, ika'y na naman nagkamali bilang kanyang ama.

Pinalabas mong aksidente ang kanyang pagkawala,
Sandamakmak na punyal sa puso ang iyong nadama.
Di makahinga't sa konsensiyang di ka pinapakalma,
Kaya heto ka't hawak ang patalim, nais tapusin ang pagkakasala.

Unang gabi'y nag iisa ka na lang,
Nag aagaw ang ilaw at dilim sa nasasandalan.
Katahimikan ang namamayani sa paligid,
Habang hawak ang litrato ng munting pamilya mo'y noon pinagmamalaki.

Binigkas ang mga kataga sa pinakamamahal mong pamilya, "Patawad aking prinsesa pagkat ako'y nagkasala. Any iyong Ama'y inaasahan mong ipagtatanggol ka, naging lapastangan at di ka na prinotektahan pa gaya ng ipinangako ko sayo simula ning isinilang ka ng pinakamamahal mong Ina."

"Patawad aking Mahal at ako na naman ay nagkasala. Di ko na kaya na ika'y wala. Gusto kong kami'y iyong makakasama, pagkat nangako ako na sa hanggang kamatayan tayo'y magkakasama."

Yakap mo ang inyong munting litrato,
Di nagdalawang isip sa kahahantungan mo.
Sa puso itinama ang patalim na hawak mo,
Sinunod ang pagmamahal na nais mo, pagmamahal na kailan ma'y di maiintindihan ng ibang tao.

The Unspoken ChancyWhere stories live. Discover now