"El Libro"

19 4 0
                                    

Ito'y pinagsama sama nailimbag na mga salita,
Sa bawat pahina'y may nakatagong puna.
Salita ng pagmamahal na ipinuna nating dalawa,
At mga nabuo nating pangako para sa isa't isa.

Sa bawat pahina nito,
Nakasulat ang ating kwento.
Saya, lungkot, poot man o sakit,
Lahat kinaya nating dalawa kaya't nanatili.

Sa pahina ng ating kwento,
May iba't ibang larawang ito.
Iyak, hagulgol man o pighati,
Ngiti pa rin nati'y nasilayan sa huli.

Ilang beses na tayong  napagod,
Ngunit hindi piniling tumakbo sa papalayo.
Ninais sa piling ng isa't isa,
Pagkat ayaw ng kumilala pa ng iba.

Hinahanap ang isang rason na manatili,
Pagkat puso ko'y ikaw pa rin ay pinipili.
Masaktan man ay kaya kong itanggi,
Basta't tayo pa rin hanggang sa huli.

Ipagpapatuloy natin ang nasimulang kwento,
Handang wakasan nang ikaw ang kasama ko.
Hindi man ito perpekto,
Sapat na yun basta't ikaw lang hanggang dulo.

The Unspoken ChancyWhere stories live. Discover now