Lumingon man ako sa kaliwa't kanan,
Tanging totoong kaibigan ang nandiyan.
Tila may kung anong pahiwatig ang mga mata,
Makuha ka sa tingin tiyak ika'y matatawa.Kasama ko sa lungkot at saya,
Sa problema ako'y dadamayan pa.
Pagkakamali ng isa't isa ay maiintindihan,
Hindi mang iiwan bagkus magkakapatawaran.Anumang pagkukulang ay pupunan,
Tatanggapin ka kahit ano pa man.
Mahihirapan man ay magtutulungan,
Hanggang sa ito'y matagumpayan.Hindi man nagkakausap ng matagalan,
Pag nagkita's tiyak na magtatawanan.
Pag-inog ng mundo ko'y biglang nag iba,
Sa bawat araw na kayo ang kasama.Puso at isipan ay puno ng pag asa,
Nagbibigay din ng panibagong simula.
Itsura niyo sa isipa ko'y di mabubura,
Dahil na rin sa masasayang alaala.Sana'y sa bawat araw kayo'y masaya,
Huwag mawawalan ng pag asa sa anumang ikakadismaya.
Piliin ang bumangon mula sa lupa,
Tuwing kayo'y nasasadlak na.Hindi man tayo bukal sa isa't isa,
Ngunit ramdam natin ang pag aalala.
Pagmamahalang ipinapakita sa gawa,
Ang mga naipong salitang "Mahal Kita."
YOU ARE READING
The Unspoken Chancy
PoesíaUnspoken words are the most painful part of every individual that they've come up against while seizing peace of what their heart's desire or kindly wishing for. 🌻💛 Disclaimer: The photos that have been used in this work are not mine. Credits to t...