Nanay, Tatay, Ate at Kuya,
Nakikita niyo ba ang totoo kong mukha?
O sadyang kulang pa tong nadarama bago niyo mainahuna.
At ilan pa bang "sana" ang lalabas pa?Kaliwa't kana ang pagkukumpara,
Halos di na ako makahinga.
Ilang segundo man ang lumipas,
Di pa rin ba sapat ang aking tinatapyas?Buti pa siya't kayo'y humahanga,
Naging magaling naman din ako sa eskwela.
Ngunit bakit pagdating sakin kayo'y nakukulangan pa?
Gusto kong gumaling ngunit hindi niyo makita.Bunso, mag aral ka nga?!
Tila galit ang tinig niyo saki'y nakakabasag tenga na.
Tao lang din po ako,
At hindi ugaling maging perpekto.Apat, Tatlo, Dalawa, Isa,
Ang bilang ko pabalik sa umpisa.
Dati'y puro lang ako masaya,
Hindi nakakaramdam ng tensyon noong una.Pero ayos lang ho,
Ako'y nasasanay na sa inyo.
Siguro nga kulang pa,
Kaya nais ko pang gumaling pa.
YOU ARE READING
The Unspoken Chancy
PoetryUnspoken words are the most painful part of every individual that they've come up against while seizing peace of what their heart's desire or kindly wishing for. 🌻💛 Disclaimer: The photos that have been used in this work are not mine. Credits to t...