Pikit mata kitang nahihuna,
Mukha mo'y di malinaw sa aking mga mata.
Ilang beses kang napapanaginipan pa,
Sa dulo hindi ka pa rin makilala.Gabi gabi ako'y nagagalak,
Naghihintay sa panibagong ganap.
Dalawang tauha'y naghahalakhak,
Kahit pa lumuluha na ang mga ulap.Sa paggising ko sa umaga,
Nagiging malabo ang nahihuna.
Kunot noo kong inaalala,
Sino ka't bat mo ko napapasaya?Tumagal lamang ng tatlong araw,
Hindi na muli kitang matanaw.
Sa panaginip man lang kita nakikita,
Salamat dahil ako'y naging masaya.Nakakaabala na din pala,
Nakikita ka ng mga mata ko kung saan malabo ang iyong mukha.
Ayaw nang pakaisipan pa,
Dahil ika'y lamang likhang isip habang nakapikit ang mga mata.Di man maintindihan ng iba,
Wala na akong pakialam na.
Kahit sa maikling panahon man lang,
Puso ko'y nakaramdam pa rin ng ligaya mula sa totoong kaibigan.
YOU ARE READING
The Unspoken Chancy
PoetryUnspoken words are the most painful part of every individual that they've come up against while seizing peace of what their heart's desire or kindly wishing for. 🌻💛 Disclaimer: The photos that have been used in this work are not mine. Credits to t...