"Mahal Kong Lolo't Lola"

150 4 0
                                    

Nay, Tay naaalala niyo pa ba?
Noong una niyo kong hinagkan nung ako'y maliit pa lamang.
Kay tamis siguro ng inyong mga ngiti,
Noong una niyo kong nasilayan.

Bata pa lamang ako,
Kayo na ang kasama ko.
Maagang ipinamulat sa akin ang ginagalawan nating mundo.
Mundo kung saan mas naging maligaya pagkat nakasama ko kayo.

Ako'y lubos na maligalig na nandyan kayo,
Dahil sa masasayang alaalang ipinaranas ninyo.
Walang sawang pasasalamat sa pag aaruga't pagmamahal na ipinagkaloob ninyo.
Nang dahil don mas naging mabuti ako.

Hindi lang kayo basta't Lolo at Lola ko,
Pagkat magulang din ang turing ko sa inyo.
Mga magulang na nanaising mapabuti ang anak nila,
Kaya heto't ako walang humpay na ipapadama na kayo pa ri'y mahalaga.

Tiyak ang tuwa't saya,
Tuwing nasisilayan kayong maligaya.
Naiibsan ang kalungkutan na aking nadarama,
Habang nakikinig sa inyong mga kataga na para bang musika sa aking tenga.

Kayo'y akin pa rin naaalala,
Nakapikit habang mata'y lumuluha.
Binabalik balikan ang ating alaala,
Masayang nagkukulitan pa sa ating munting bakuran.

Ngunit ngiti ko pa ri'y namumutawi sa aking mukha,
Pagkat alam kong kayo'y nasa mabuting tahanan na.
Tahanan ng mga mabuting taong katulad ninyo,
Na walang ibang hinahangad na mapabuti kaming mga mahal niyo.

Nais kong magpasalamat,
Sa walang hanggan ng pagmahahal at naiwang masayang alaala.
Aking dadalhin ang naiwang gabay niyo hanggang sa pagtanda.
Mga katagang ikakabuti ng inyo ng dalaga.

The Unspoken ChancyWhere stories live. Discover now