Masaya naman talaga sa una,
Sa unang beses hanggang sa hindi na muli.
Pinalitan ang ilang beses na saya sa lungkot,
Na ngayong may kaakibat pang sakit sa dulo.Sinanay ang sarili na walang matakbuhan,
Pagkat nanaisin ang sakit na mag isa lang.
Maganda siguro na magpaulan,
Nagbabasakaling luha ko'y di niy maanigan.Sa pagkakataon na ito,
Di ko mawaring magpanggap pa na ako'y masaya.
Pagkat itong pagod na aking nadarama,
Hindi kayang gamutin ng kahit anong pahinga.Ito yung pagod na hindi kayang idaan lang sa maghapong hilata sa kama.
Nadamang pagod pati na rin sa kaluluwa,
Ngunit nilalabanan pa rin kahit hirap na,
Pagkat ang bugay walang madaling daan upang makamit ang tunay na ligaya.Natutulog sa gabing luhaan,
At gumigising sa umagang walang kulay.
Hindi ba't nakakapagod yun?
May kung anong lungkot sa puso na di mo alam kung saan yun nagmumula.Paulit ulit mong dinadaranas,
Ang sakit na di mo alam kung ano ang kahihinatnan.
Talaga namang nakakapagod ang mundo,
Pero hindi yun dahilan upang matapos ang aking kwento.Pangarap kong lakbayin pa ito,
Kaya hindi ko kailangan sumuko.
Mapapagod lang ako,
Ngunit hindi titigil upang hanapin ang sariling kaligayahan ng aking puso.Kaligayahan na di magmumula sa iba,
Kundi sa sarili ko lamang gawa.
Mas nanaisin mabuo na ako lang mag isa,
Upang walang sino pa man ang makakasira sa hangad kong lumigaya.Sisimulan kong mahalin ang sarili,
Pagmamahal na di kayang mabilang sa daliri.
Sarili'y di hahayaang maligaw,
Pagkat nanaisin kong ako'y matatanaw.Matatanaw ang sarili kong yapak sa daan,
Daan patungo sa aking tahanan.
Tahanan ng hindi na nangungulila,
Pagkat napalitan ito ng galak at kaya ko na.
YOU ARE READING
The Unspoken Chancy
PoetryUnspoken words are the most painful part of every individual that they've come up against while seizing peace of what their heart's desire or kindly wishing for. 🌻💛 Disclaimer: The photos that have been used in this work are not mine. Credits to t...