Prolouge

57 2 0
                                    

"Claudia tara na" pag tawag sa akin ni Dr. Sylvester

Nandito kami ngayon sa isang liblib na gubat. Napaka dilim dito dahil sa mga matataas na puno na humaharang sa sikat ng araw

"Dr. Sylvester ang layo na po natin, saan po ba talaga iyong Academia de Sangre na iyon?" pagtatakang tanong ko na may halong inip sa tono ng boses ko

"Malapit na iyon hija" pag sigurado niya sa akin

Makalipas ang ilang minuto natunton na namin ang sinasabi niyang Academia. Napaka lawak pala nito! Mga malalaking gusali ang mga nakatayo na para bang palasyo na rin. Lumabas kami ni Dr. Sylvester sa aming sasakyan upang pagmasdan ang buong Academia sa harap ng malaking gate nito

"Kakayanin ko po ba ito?" halos kinakabahan kong tanong. Napaka komplikado ng aking misyon ngunit ito naman ang nais namin ni Dr. Sylvester

"Dito ako nag simula Claudia, ngunit taliwas ako sa kanilang layunin kung kaya't umalis ako. Tinahak ko ang medisina kaya naging Doktor ako sa Asylum kung saan tayo nagkakilala" pag kwento ng nakaraan ni Dr. Sylvester. Paulit ulit niya itong binabanggit sa akin ngunit hanggang ngayon ay mangha pa rin ako

Pinanganak na siyang bampira ngunit gaya ng ibang bampira na isinisilang ay namamatay rin ang nagdala nito. Ibang iba si Dr. Sylvester sa ibang bampira. Layunin nya ang magkaroon ng kapayapaan sa gitna ng mga mortal at mga imortal

"Magiging gabay mo ang pangitain mo Claudia, huwag kang matakot."

Kay daling sabihin para sa kanya ngunit para sa akin ay sumpa ang pagkakaroon ko ng mga pangitain. Muli na namang bumabalik sa akin ang mapait kong nakaraan

"CLAUDIA NAPAKA MALAS MO TALAGA SA PAMILYANG ITO!" pag hihisteryo na naman ni Tatay. Buong buhay ko na niya ito binabanggit ngunit bakit hindi pa din ako sanay? Ang sakit sakit pa din

"Tay, magpahinga na po kayo at lasing na naman po kayo" pag pilit ko ng mahinahon kay Tatay

"ALAM MO KUNG HINDI DAHIL SAYO AY BUHAY PA SI IMELDA!  BUHAY PA SANA ANG ASAWA KO AT WALA AKONG ANAK NA BALIW!" pagsusumbat sa akin ni Tatay

Namatay si Nanay sa pagka panganak sa akin at nagbigay ito ng butas sa puso ni Tatay pati na rin ng mga nakatatanda kong kapatid. Ngunit alam naman nila sa mga sarili nilang wala akong kasalanan don sapagkat ako'y isang munting sanggol pa lamang noon. Walang tigil ang aking luha at tila na estatwa na lamang ako sa aking kinatatayuan

"Anong iniiyak iyak mo dyan Claudia? Hindi ba't may mga pangitain ka? Bakit parang dimo ata inaasahan ito? BALIW KA TALAGA!" May pagka sarkastikong sabi ni kuya Nicolas

Umalis ako sa aming tahanan at tumakbo na may dala dalang bigat sa aking dibdib. Hindi na sila makatao, sobra na akong nasasaktan

"Claudia sandali huwag kang umalis" pag mamakaawa sa akin ni ate Cynthia na panganay sa aming tatlong magkakapatid. Siya na lamang yata ang kakampi ko sa mapanakit na mundong ito ngunit pinili ko pa din umalis sa bigat ng aking damdamin

"Ate hindi ko na ito kaya" pag hikbi ko sa kaniya

Sa aking pagtakbo ay ang pagsabay ng buhos ng ulan. Lahat na yata ay nabunggo ko ngunit diko man lang sila nililingon sapagkat masyadong masakit ang lahat para sa akin

"Si Claudia yon hindi ba? haha baliw nga talaga iyang batang yan"

"Oo, sya nga iyon nasumbatan na naman siguro ni Fidel"

Tinalikuran ko nalang sila sapagkat wala silang maitutulong, halos mismo kong Ama ay hindi man lamang ako maipagtanggol sa mga mapapanakit nilang salita. Sa pag tigil ko sa akong takbo ay ang pagpasok ng aking pangitain

"Ah!"

Nakikita ko ngayon ang aking Ama na papunta sa isang silid sa bahay namin. Tama ba itong nakikita ko? Si Nanay na ipapanganak ako! Pero bakit nakaraan itong nakikita ko? Makalipas ang ilang minuto din ng pagsilang ni Nanay sa akin ay naipanganak na ako, kay ganda ni Nanay at bakas sa maamo niyang mukha ang walang kupas na ngiti nang makita niya ako

Idinala na ang sanggol na ako sa kabilang silid kaya naiwan si Nanay dito sa kwarto. Ngunit ano itong nakikita ko? Sino ang babae na itong pumasok sa silid nina nanay? Si Aling Toedora ito ah. Makaraan ang ilang segundo ay sinaksak niya si nanay sa dibdib!

"Para lang iyan sa'yo Imelda! Sa akin lang si Fidel!"

Nakabalik na ako sa kasalukuyan at nasa wisyo na ako. Hindi namatay si Ina sa pag silang sa akin! Pinatay si nanay ni Aling Teodora!

"Claudia anong nangyari sa'yo? Halika na uwi na tayo basang basa ka na ng ulan dito sa kalsada" nakasunod pala si ate Cynthia sa akin. Tama ba itong nakita ko? Hindi ako binibigo ng nga pangitain ko!

"Ate pinatay si Nanay!" nauutal kong sambit kay ate Cynthia ngunit napalakas ang aking tono sapagkat may galit na namumuo ngayon sa akin. Paano magagawa iyon ni Aling Teodora? Alam ba ito ni Tatay?

"Claudia ano ka ba, namatay si nanay at hindi pinatay. Magkaiba yun" pag sigurado nya sa akin ngunit alam kong tama ako!

"Ate hindi! Kitang kita ko sa aking pangitain na pinatay si nanay. Sinaksak sya sa dibdib ni Aling Teodora at sa tingin ko matagal na silang may relasyon ni Tatay!"

Hindi ko na alam ang aking gagawin ngunit isa lang ang sigurado, kailangan kong harapin si Tatay! Sobra sobra na ito!

"Claudia naririnig mo ba ako?" nagulat ako sa pag tawag sa akin ni Dr. Sylvester. Tumango na lamang ako sa kanya kahit nagambala na naman ako ng aking mapait na nakaraan

Pumasok kami sa Academia na sinasabi ni Dr. Sylvester. Grabe sobrang laki talaga ng Academia na ito! Para na siyang palasyo rin. Sa paglakad namin ay may mga nakita akong grupo ng mga lalaking bampira sa isang gilid kung saan mayroong garden. Iba yung mga tingin nila sa akin na para bang may masamang balak agad

"New girl" banggit nung isa sa kanila kahit pa ang layo ko sa kanila. Sa tingin ko sinadya nya iyon kasi katangian na ng mga bampira ang magkaroon ng matalas na pandinig lalo pa kung para sa kanila iyong mensahe na gusto iparating. Tiningnan ko na lamang yung lalaking bampira na iyon at binalewala

Dark Desires | Academia de Sangre Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon