Chapter 4

11 2 0
                                    

Magsisimula na ang pageensayo namin at ito namang si Saskia sabik na sabik masyado. Bigla akong natigil sa paglalakad, may nakita na naman ako. "Claudia ayos ka lang ba?" natigil din si Saskia nang napansin nyang tulala ako. "Hindi matutuloy to." seryoso kong bulong sa aking sarili. "Anong hindi matutuloy?" Nagtataka namang tanong sa akin ni Astrid, narinig nya pala ako. "Basta, uulan kasi" medyo nauutal kong sabi sa kanya. Open field tong pag eensayuhan namin kaya sa oras na pumatak ang ulan hindi din kami makakapag ensayo. "Ang taas ng sikat ng araw oh" pagsingit naman ni Saskia.

Alam kong tama ako kasi nakita ko ito. "Hey losers! Ano bang tinatayo tayo nyo dyan? Oras ng ensayo tapos puro kwentuhan kayo dyan!" sigaw naman sa amin ni Anneliese, masama tingin niya sa akin at siguro'y hindi pa nya nakakalimutan yung nangyari noong isang gabi. Humingi kami ng tawad at sumumod kami sa tulad naming mga baguhan. Isa pala siya sa mga mageensayo sa amin dahil bihasa na daw sya.

Kumpulan kaming lahat dito sa open field dahil ni isa sa amin ay hindi pa alam ang mga gagawin. May lalaking matangkad ang papalapit na ngayon sa amin, mukhang matagal na siya rito. "Sino sya?" pagtanong ko kay Saskia kasi parang ang dami nya masyadong alam. "Ayan si Demetrius Crimson" bulong naman sa akin ni Saskia. "Anak sya ni Magnus" habol pa niya. Nanlaki ang mga mata ko sa impormasyong iyon. Nagpakilala si Demetrius sa aming lahat at pinasimulan niya na ang pag ensayo namin. Hinati kami sa tatlong grupo para hindi ganong magkagulo. Napunta kaming tatlo nina Saskia at Astrid sa grupo kung saan titingnan ang galing namin sa pakikipaglaban, at kung minamalas nga naman ako agad ang inuna.

Nagulat ako sa kung sino ang makakatunggali ko dahil si Damien iyon. Bakit ba napaka tagal ng ulan para matigil na ito. Halos pinalibutan kaming dalawa ng mga bampirang kung saan ako napagrupo.

"Bring it on baby vamp."

mahinang bulong sa akin ni Damien nung nagkasalubong kami para magpalit ng posisyon. Tinarayan ko nalang sya dahil gusto kong mag seryoso, patutunayan ko sa mokong to kung sino ang tunay na malumanay sa amin.

Tumakbo ako ng mabilis sa kanya para ambahan siya ng suntok pero napaka bilis ng galaw nya! Nahawakan niya ako sa bewang at biglang hinagis. Ang sakit ng bagsak ko at buti nalang hindi ako tumama sa puno. "Ayan lang ba kaya mo?" natatawang sabi ni Damien, ang yabang talaga nito. Tumayo agad ako sa aking pinagbagsakan at tatakbo na sana muli ngunit bumuhos na ang ulan. Tama ang aking nakita at pinatigil na nga kaming lahat. Nilagpasan ko si Damien na ngiting ngiti habang ako naman ay nakasimangot. Hindi na ulit siya bumulong, tanging ngisi nya lang ang natanaw ko.

"Saskia ayos ka lang ba? Grabe hindi pala gentle si papa Damien haha!" tawang tawa naman itong si Saskia. Napansin kong kanina pang nakatitig sa akin si Astrid kaya naman napatanong ako kung bakit. "Ang galing mo, umulan nga. Paano mo nalaman yon?" mukhang mangha siya na nagtataka pa din. Sinabi ko na lamang na maitim itim yung ulap kanina para hindi na nila ako pag hinalaan. Bawal na bawal ko daw ipagsabi na may mga pangitain ako dahil aabusuhin daw ako ng mga bampira dito. Iyon ang payo sa akin ni Dr. Sylvester.

Kanina pa kaming nakasilong at papasok na kami sa main building nang may lumapit sa aking kasamahan ko sa grupo kanina. "Claudia ikaw daw magligpit nung mga kagamitan kanina dahil natalo ka sa laban nyo ni Damien.". Napanganga ako sa sinabi nitong kagrupo ko, napaka daya naman! Sinunod ko nalang iyon kahit pa hindi naman talaga natuloy yung laban, utos siguro to ni Damien.

Grabe, ang dami at ang bigat pa ng mga ginamit. Bitbit bitbit ko yung mga nagamit na mat papunta sa storage room ng Academia de Sangre dahil doon ito nararapat na nakalagay. Kanina pa akong basang basa dahil sa ulan pero binalewala ko nalang dahil maliligo din naman ako mamaya. Magdidilim na at nangangalam na yung tiyan ko sa gutom, buti nalang at panghuli na itong mga mat na ito.

Malapit na ako sa storage room pero nakasarado yung pintuan nito, iniwan ko naman itong nakabukas kanina ah. Nahirapan pakong buksan ito dahil sa mga bitbit ko at buti nalang at nabuksan din. Patay yung mga ilaw, siguro'y may pumatay habang hindi pa ako nakakabalik.

Papunta na sana ako sa light switch para buksan yung mga ilaw pero may natanaw akong nakaupo sa lamesa. Binuksan kona yung ilaw para makilala kung sino ito.

"Hey baby vamp" bati sa akin ni Damien habang nangingisi ngisi. Ano bang ginagawa nito dito? Manggugulo lamang sya eh, buti nalang last na itong mga dala ko. Hindi ko sya pinansin dahil wala akong oras para sa mayabang na papansin na ito. "Kahit kelan talaga napaka papansin nito" bulong ko sa sarili ko para hindi nya madinig. Tumayo sya sa kinauupuan at sumandal siya sa lamesang pinagupuan niya. "Gusto kong matuloy yung sinimulan natin kanina." seryoso nyang sabi, hindi ko alam kung seryoso talaga ito o nangaasar lang dahil lamang sa naitalsik nya ako kanina.

"Sa iba nalang, pagod nako" pagod pero seryoso kong sinabi sa kanya nang hindi siya tinitingnan dahil abala ako sa pagayos ng mga mat na dala ko kanina. Panigurado namang siya ang may utos nito tapos gusto nya pa din makipaglaban, grabe double dead yata hangad nito sakin eh.

Sumilay ako sa kaniya nang natapos nako. Seryoso syang nakatingin sa akin na halos hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip nito. Lumakad na ako para makaalis dito dahil kailangan kona maligo at makakain dahil sa sobrang pagod. Palabas na ako ng pinto nang mabilis syang tumakbo para harangan ako.

"You're getting away again baby vamp."

"Pwede bang huwag moko tawagin nyan!" naiinis ko nang sabi sa kanya dahil kanina pa sya. Nakangisi lang sya habang nakatingin sa akin. "At bakit hindi?" tanong niya sakin na parang nanghahamon. Umiwas ako ng tingin dahil masyado na akong naiilang. Humakbang nako para dumaan sa gilid ngunit hinarang nya ang braso nya at sinandal yung kamay nya sa pader para hindi ako makalabas.

Sinubukan kong itulak yung braso nya pero masyado syang malakas. Sinamaan ko sya ng tingin habang siya'y nangingiti ngiti pa sa nangyayari ngayon. Iba na lang paglaruan nya dahil wala naman akong pakialam sa bampirang ito.

"Ooh, my baby vamp's clingy" pangaasar niya sa akin. Ngayon ko lang namalayan na kanina pa pala nakahawak yung mga kamay ko sa braso nya dahil tinutulak tulak ko sya kanina. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko sa sobrang kahihiyan.

"Claudia!" magiliw na pagtawag sa akin ni Saskia. Naiilang ako sa itsura namin ni Damien at hindi ko alam kung anong laman ng mga ngiti sakin ni Saskia. Tinulak kong muli ang braso ni Damien at buti nalang ay bumitaw na sya. Naglakad ako ng dali dali papunta kay Saskia para makaalis na agad doon. Nang sumilay ako sa likod ay humarap na si Damien, nagtama ang mga mata namin kaya umiwas agad ako. Halos hawak ko na ngayon si Saskia nang mahigpit para mabilis kaming makaalis doon.

"Aray ko naman teh, dahan dahan" natatawa pa si Claudia sa pagkaladkad ko sa kanya. Paniguradong aasarin ako nito.

"Kung ano man ang iniisip mo ay mali iyon" inunahan kona si Saskia dahil mukhang hindi lang siya chismosa kundi malisyosa din.

Dark Desires | Academia de Sangre Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon