Hindi dapat ako matakot o mag alala sa pagsabi kina Saskia at Astrid nang tungkol sa kampihan ng mga mortal at imortal. Sabi ni Dr. Sylvester ay matagal nang napagkasunduan ang pagbago ng layunin ng ibang bampira, mga bampirang gaya namin. Pero sa pagtagal ng panahon, nahayaan man ito pero sa mga isip ng ibang bampira ay kalaban na din kami.
"Hindi ka takot sa posibleng madugong labanan" agad akong natauhan, kanina pa akong tulala at nakatanaw sa bintana ng bahay ni Lola Tala. Nilingon ko si kuya Julius at tiningnan lamang sya, nag aabang nang idudugtong niya. Pumasok siya sa silid at lumapit sa akin.
"Doon ka takot sa posibilidad na lumayo sila sayo, hindi ba?" sambit niya.
Mukhang ganoon nga. Lumaki akong mag-isa at naghahanap ng pagmamahal sa ibang tao. Pamilya kaming lahat dito sa El Batallón Unido at nagpapasalamat ako doon. Sa ilang buwan ko ding pamamalagi sa Academi de Sangre ay napamahal na sa akin si Saskia at Astrid. Hindi ko alam ang mangyayari kapag tinalikudan namin ang isa't isa.
"Saskia naman eh sabing sa akin yung sorbetes na yan!"
Nakatambay kaming tatlo dito sa fountain na aking unang naibigang lugar sa Academia. Init na init nagtatalo sila sa isang ice cream. Natatawa na lamang ako lagi kada ganito sila at nag-aaway sa mga maliliit na bagay.
"Pahingi lang eh!" para talagang bata itong si Saskia. Agad na naagaw din ni Astrid yung sorbetes niya samantalang ito namang si Saskia ay naka simangot. Tunaw na yung sorbetes sa init ng panahon, sinabayan pa ng pagtatalo ng dalawang ito. Aksidenteng natapon sa damit ko yung sorbetes dahil sa pag-iwas ni Astrid nito mula kay Saskia.
"Pasensya na Claudia!" natataranta ang dalawa at nag aagawan pa sa pamunas. Naiintindihan ko mga ekspresyon nila. Dugo ng tao ang pangunang sangkap sa sorbetes na ito na tinitinda sa kantina at alam nilang iba ang diet ko sa kanila. Sinisigurado ko silang ayos lang, akala ko ay matatahimik na sila pero nagsisihan pa ang dalawa.
Madali akong nagpaalam sa kanila para magtungo sa silid namin at makapag palit na ng damit. Ang laking mantsa nang naiwan sa damit ko at nakakahiya naman kung buong araw akong ganito, isa pa ay napakalagkit sa pakiramdam nito.
Sa aking madaling paglalakad sa pasilyo ay may nabunggo pa ako.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" wrong timing pa ata, mukhang kanina pang iritado si Anneliese, nagalit pa sya sa aksidente kong pag bunggo sa kanya. Humingi ako ng tawad pero hindi na niya ako pinatapos, agad din syang umalis. Tama ba talaga ang balitang abusado at masama sya sa ibang bampira dito? parang hindi naman eh.
Nagtungo na ako sa banyo ng aming silid upang makaligo at bihis na. Ang sarap sa pakiramdam ng agos ng malamig na tubig sa aking katawan. Sa aking paliligo ay nadinig ko ang pagpasok nina Saskia sa aming silid dahil sa bumukas ang pinto sa silid namin. Minadali ko na ang paliligo at nagsuot na ng tuwalya para makapagbihis. Lumabas ako sa banyo para kumuha ng mga damit pero na estatwa ako sa nadatnan ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" agad na nanlaki ang mga mata ko. Tumaas ang mga kilay niya habang tiningnan niya ako mula paa hanggang sa mga mata ko. Napaka bastos!
"Umalis ka nga! Bast-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad siyang lumapit sa akin at tinakluban ang bibig ko. Tinulak niya ako papasok sa banyo at agad nitong sinara at kinandado ang pinto.
Nadinig ko ang pagbukas ng pinto sa aming silid, siguro'y sina Saskia at Astrid.
"Claudia, hindi ka pa ba tapos maligo?" pagtatanong ni Astrid mula sa silid.
Hindi ako makasagot dahil sa sitwasyon namin ngayon ni Damien. Nakapulupot ang kaliwang braso niya sa bewang ko habang ang kanang kamay naman ay sa aking bibig. Nakakailang ang posisyon namin dahil sa sinandal na naman niya ako sa malamig na pader upang hindi makaalis. Isa pa, wala akong saplot bukod sa tuwalya ko!
BINABASA MO ANG
Dark Desires | Academia de Sangre Series 1
VampireClaudia, a girl who had a dark past because of her visions has now open a new door to her life. Facing all the wondrous and evilness this world beholds as a new bitten Vampire. Her mission began upon entering Academia De Sangre, a place that trains...