"Claudia ano ba saan ka ba pupunta?" gulong gulo na si ate Cynthia sa akin pero wala akong pakialam, kailangan ko kausapin si Tatay tungkol dito!
Madali kong tinungo ang tahanan namin, papalubog na ang araw at dinig ko na agad ang hiyawan ng mga tao sa loob ng bahay namin, nagpainom na naman panigurado si Tatay ngunit magandang tyansa ito para mabulgar ang panloloko niya kay Nanay.
"Tay! buksan mo yung pinto!" paghihisteryo ko sa sobrang bigat na ng aking nararamdaman. Paano niya nagagawang mag luksa at sisihin ako sa pagkamatay ni Nanay kung may kinakasama pala siyang iba? Matatanggap ko lahat ng panlalait ng iba ngunit ang malaman kong pinatay si Nanay ay hindi ko mapapalampas!
"Magtigil ka Claudia nakakahiya ka!"
Ramdam ko ang paninitig at dinig ko ang mga bulungan ng mga tao dito sa bahay namin pero wala akong pakialam sa kanila.
"Nangaliwa ka Tay! Pinatay ng babae mo si Nanay at huwag mo itong itanggi!" nanlaki ang mata ni Tatay sa aking sinabi, mukhang totoo nga ang aking naging pangitain. Pinagtawanan lamang ako ng mga tao, hindi ko alam kung paano nila nagagawang pagtawanan ang ganitong bagay.
"Pag-isipan mo ang napagusapan natin Lucio, para sa ikatatahimik nitong baliw mong anak." sabi ng kaibigan ni Tatay.
"Hindi ako baliw!" pagtanggol ko sa sarili ko. Hawak hawak ngayon ni ate Cynthia ang pareho kong braso para ilayo ngunit nagpupumiglas ako.
"Baliw ka Claudia! Dahil sa iyo ay namatay ang anak ko, ikaw ang pumatay sa anak kong tinuring kang kaibigan!" sabi ni Aling Ising.
Hanggang ngayon ay galit pa din siya sa akin at ako pa din ang sinisisi sa pagkamatay ni Alma noong mga bata pa kami. Binalaan ko siya noon na mag-ingat sa pagtawid dahil nakita ko sa pangitain kong masasagasaan siya ngunit hinigit siya ni Aling Ising para ilayo sa akin, kumalas si Alma at nangyari na nga yung nakita ko sa pangitain ko. Namatay sya nang araw na iyon.
May nadinig akong tunog ng dumating na sasakyan mula sa labas namin, tumingin ang lahat ng naririto sa bahay sa mga dumating ngunit ang mga mata ko'y nakapako kay Tatay, masama niya akong tiningnan at ganon din ako sa kanya. Hinding hindi ko siya mapapatawad.
Agad kong naramdaman ang paghigit sa akin ng mga babaeng nakaputing bestida, tama ba ang aking iniisip?
"Bitawan ninyo ako!" pagpupumiglas ko. Hinihila ako ni ate Cynthia ngunit pinigilan siya ni Kuya Nikolas para hindi ako malapitan. Ano bang mga nangyayari?!
"Bitawan ninyo ako ano ba! Hindi ako baliw diba Tay? ate Cynthia tulungan mo ako!" sa aking pag hiyaw ay sa patuloy na pag agos ng aking mga luha, hindi ito pupwede mangyari! ipaghihiganti ko pa si Nanay!
"Kunin nyo na siya." walang ekspresyong sabi ni Tatay.
Kinaladkad ako ng mga nurses para maisakay na sa sasakyan. Walang wala ang aking lakas sa kanila. Narinig ko muli ang masasayang hiyawan ng mga tao sa bahay namin, ganon ba nila ako kagusto mawala sa mga buhay nila? parang pinagdiriwang pa nila na ako'y dadalhin sa ospital ng mga baliw.
Isang linggo na ako dito sa Asylum, isang linggo na din akong nagdurusa. Hindi maganda ang trato sa mga nangangailangan at may sakit dito. Madalas silang ikulong sa mga selda imbis sa tunay at komportableng kwarto.
"Sabing inumin mo na itong gamot mo!" galit na galit na yung nurse sa hindi ko pag imik at pag tingin sa kaniya. Tapos na akong makakain at kailangan ko na daw inumin yung gamot ko ngunit ayaw ko dahil alam ko sa sarili kong hindi ko ito kailangan.
"Ayaw mo inumin ha!" mabilis niyang pinilit isubo sa akin ang napakadaming gamot sa bibig ko, hawak hawak pa niya ang aking buhok para masabunutan at iangat ang aking ulo upang maisubo lahat. Hindi ko na kinakaya ang lahat ng ito. Kung hindi dahil sa mga pangitain ko hindi ko ito dadanasin, kung hindi pinatay si Nanay sana masaya ang naging buhay ko tulad ng ibang kabataan.
BINABASA MO ANG
Dark Desires | Academia de Sangre Series 1
VampireClaudia, a girl who had a dark past because of her visions has now open a new door to her life. Facing all the wondrous and evilness this world beholds as a new bitten Vampire. Her mission began upon entering Academia De Sangre, a place that trains...