Chapter 7

23 2 0
                                    

Anong pasaway ba ang sinasabi nito? Parang kahapon lang ay ang kulit kulit niya sa akin tapos ngayon ako pa pinagbibintangan nya sa lahat. Masama ang tingin niya sa amin na parang pinuno siya na dismayado sa kaniyang mga alipin.

Hinawi ng hangin ang mga hibla ng aking buhok na hindi nahagip ng aking panali. Gumaan na ang ekspresyon ni Damien samantalang ako ay nakasimangot at kunot pa din ang noo sa pag saway niya sa amin, lalo na sa akin.

"Humayo na tayo" malamig na sabi ni Damien.

Nagsimula na kaming maglakad at dito kami dumaan sa gubat para makatakbo ng malaya na hindi tanaw ng mga mortal. Sa aming pagtakbo ay natigil ako sa mga narinig ko. Napansin ni Astrid na nahuli na ako kaya natigil din siya at nilingon ako. "Ayos ka lang?"natigil din si Saskia at Damien kaya lumingon sila sa akin. Nasa gitna na kami ng gubat at malayo na sa bayan.

"Maghanda kayo."

Luminga linga ako sa aking gilid dahil sa tingin ko ay may paparating, madami sila. Kita ko ang pagaalala kay Saskia, tingin ko'y natatakot siya kaya ko siya nilapitan. Mukhang nadinig din iyon ni Damien kaya katulad ko ay palinga linga din siya. Humayo na kami dahil hapon na at malapit na magdilim. Lalong lumakas yung mga yapak na aking nadinig kaya tingin ko ay malapit lamang sila.

"MGA BAMPIRA!"

Nagulat kaming apat sa bilis ng kilos ng mga mortal! Pinalilibutan na nila kami ngayon. Napaka dami nila masyado at armado pa. Nakatutok ang mga armas nilang baril sa amin habang kami naman ay problemado sa dami nila. Pula na ang aming mga mata at nakalabas na ang aming mga pangil upang maghanda. Ramdam ko ang galit ni Damien, tingin ko ay handa siyang pumatay sa kahit na anong oras.

Natatakluban ng makapal na balabal ang kanilang mga mukha, paraan ito ng mga mortal kung sakaling maka engkwentro sila ng bampira upang hindi din sila matunton.

"Kung ako sa inyo hahayaan nyo na kami kung ayaw nyong maging hapunan namin!"

Galit na galit na itong si Astrid, tahimik naman kaming dalawa ni Saskia samantalang itong si Damien ay masyadong galit na sa igting ng kaniyang panga at talas ng tingin. Mas lalong tinutok ng mga mortal ang mga baril nila sa amin. Napaka dilim na ng mata ni Damien at handa nang pumatay. Akmang susugod na sana ang mga kasama ko ngunit pinigilan ko sila.

"Sandali!"

"Claudia ano ba mamamatay tayo dito!" pagsaway sa akin ni Saskia, bakas sa mukha niya ang galit at takot.

Umayos ako ng tayo at hindi tulad ng mga kasama ko na naka yuko pa din ang mga tuhod na handang makipaglaban.

"Huwag mo nga akong pinagloloko Gibo!" natatawa ako sa nagaganap ngayon at mas maliwanag pa sa araw ang aking itsura. Nakapamewang ako ngayon at nangingiti ngiti.

"Magandang hapon Claudia, ito naman hindi na mabiro."

Litong lito ngayon ang mga kasama ko, maski si Damien ay lito rin ngunit mukha pa din siyang galit. Binaba na ng mga armadong mortal ang kanilang mga armas, hudyat na hindi nila kami sasaktan. Tumayo na sila ng ayos dahil sa mukhang wala nang panganib.

"Huwag na kayong mag-alala, mabubuti sila." pag sigurado ko sa kanila na may kasamang ngiti. Tiningnan ko si Damien sa mga mata at sinigurado sa kaniyang walang panganib.

"Pero Claudia, mga mortal sila!" alam kong nalilito sila sa mga nangyayari pero tingin ko'y magandang paraan din ito para mahikayat sila.

"At mga bampira tayo Saskia, pareho lang na mapanganib ang parehong uri." tingin ko ay hindi sila basta basta magiging kumbinsido pero ang mahalaga ay ang ngayong mapatunayan ko sa kanila na walang alitan ang dapat na namumuo sa parehong uri, lalo na dito kay Damien. Kung makukumbinsi ko siya ay malaki ang magiging impluwensya niya sa ibang bampira. Ngunit dapat hindi din ako agad nasisiguro at nagtitiwala, bahala na.

"Magandang hapon sa inyo, kami ang El Batallón Unido. Alam kong lito kayo ngayon sa mga nangyayari, matalik kong kaibigan itong si Claudia na kauri ninyo." pagbati at pag pahayag ni Gibo.

"Paano nangyari ito?" halata sa tono ni Damien ang pagkalito at inis. Mukhang wala ngang alam ang ibang mga bampira.

"Matagal nang may koneksyon ang mga nag bagong buhay na bampira sa ibang mga mortal. Nakabuo kami ng grupo upang protektahan ang parehong uri. Mga mortal at Imortal." pagpaliwanag ko sa kanila. Mukhang unti unting naiinditindihan ni Saskia at Astrid ang impormasyong kanilang nakakalap kaya umaayos ang mga ekspresyon nila samantalang itong si Damien naman ay nakakunot pa din ang noo.

"Ginagawa namin ito dahil kapayapaan lang naman ang hangad naming lahat. Parehong sarado ang mga isip at puso ng dalawang uri kaya gusto namin maging magandang halimbawa." pag patuloy ko.

"Pero Claudia, paanong malalakas pa din kayo, hindi ba't dugo at laman lamang ng hayop ang kinakain ninyo?" ramdam kong gustong intindihin din ni Saskia ang lahat, una palang ay kilatis konang hindi siya tulad ng iba at natutuwa ako doon.

"Kamakailan lamang ay may naimbento nang supplement si Dr. Sylvester para sa mga kasapi naming bampira upang mapanatili ang kanilang mga lakas tulad ninyo nang hindi pumapatay ng kahit sinong mortal. Apat na pu't apat na taon na ang El Batallón Unido, sinimulan ito ni Dr. Sylvester, pamilyar ba sa iyo Mr. Crimson?" nakangisi na ngayon si Gibo habang nakatingin kay Damien. Ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa, ito namang si Damien paniguradong hindi magpapatalo at ito namang si Gibo pinanganak na atang mahilig mang-asar.

Tahimik ngayon si Damien, hindi ko alam kung paano siya nakakapag timpi ngayon at hindi pa din sumusugod. Alam kong hindi siya sang-ayon sa ganitong layunin kaya lumayo ang loob niya sa hinahangaan niya noong si Dr. Sylvester. Nahagip ng kaniyang mga mata ang mga mata ko, malambot niya akong tiningnan na may pag-iingat. Sa ngayon ay hindi ko alam kung bakit ganoon kabango ang pangalan niya pagdating sa pagiging mabagsik at malakas na bampira. Nararamdaman kong may kabutihan sa kanya, sana nga ay meron.

"Umuwi na tayo." malamig na sabi ni Damien. Gusto ko sanang manatili muna sila para maipakilala ang grupo namin ngunit magdidilim na. Natutuwa akong mukhang interesado ang dalawa kong kaibigan. Kaibigan... akalain mo nga naman, kaibigan kona pala sila at nirerespeto pa nila ako kahit una pa lamang ay mga ideya na sila sa layunin ko na gaya ng kilalalng traydor ng Acaemia de Sangre.

"Hindi ako sa Academia uuwi, mauna na kayo." Nagpaalam na ako kay Saskia at Astrid, nagulat ako nang yakapin nila ako ng mahigpit. "Proud ako sayo Claudia." bulong ni Saskia. Walang inimik si Astrid, ngunit masaya akong humupa na din ang galit niya sa akin kaninang umuga at parang naiintindihan niya ako, kami.

"Ihahatid na kita." pag alok sa akin ni Damien na hanggang ngayon ay nakakunot pa din ang noo, wala siguro siyang tiwala sa El Batallón Unido.

"Hindi na, magkalapit lang yung uuwian namin nina Gibo kaya sa kanila na ako sasabay."

Mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko at balak pa mangatwiran pero tinaasan ko siya ng kilay bilang hudyat na huwag na at umuna na sila. Wala na siyang nagawa at mukhang responsibilidad nya pa sina Saskia at Astrid.

Nang makaalis na sila ay lumitaw ang ngiti sa aking mga labi, nagulat ako nang lumingon bigla si Damien kaya napawi yung ngiti ko. Hindi ko alam kung anong kasiyahan ito, siguro'y dahil sa pagunawa ng dalawa kong kaibigan at ramdam ko din na hindi ako tatraydurin ni Damien, sana nga.

"Naku naku nagdadalaga ang 36 year old na si Claudia." halos mautas na si Gibo sa katatawa dito, pati mga kasamahan niya ay natatawa na din. Kailangan pa ba talaga banggitin yung edad ko? Ugh.

"Ingat ka doon Clau." aniya.

Dark Desires | Academia de Sangre Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon