Chapter 2

21 3 0
                                    

Nagtungo na ako sa kwarto ko dito sa Academia de Sangre. May mga kasama ako rito sa kwarto kaya hindi ako nagiisa pero nagaalala ako kung ayos ba talaga ang may kasama ako o ang maging mag-isa nalang, wala na din naman akong choice.

Walang tao sa kwarto namin at tingin ko'y nag eensayo o nagliliwaliw lamang yung dalawa kong makakasama sa labas. Sakto lang ang espasyo rito at tanging tatlo lamang kami kaya ayos na din. Habang nagaayos ako ng aking mga gamit sa banyo ay narining ko ang pagbukas ng pinto sa aming kwarto.

"Mukhang nandito na yung bagong kasama natin Astrid".

Matapos niyang masabi iyon ay lumabas na ako ng banyo upang mag ayos naman ng aking mga damit. Nakatingin lang sila sa akin habang abala ako magligpit ng mga damit ko.

"Claudia hindi ba?" Pagtatanong ng hindi katangkarang babaeng bampira sa harap ko na nadinig kong nagsalita kanina. Mukha naman siyang mabait pero ayaw kong magpaloko. Sumangayon ako at tumango tango naman siya. Nagpakilala sa akin ang dalawang bampira na magiging kasama ko sa kwarto na ito.

"Ako si Saskia at eto naman si Astrid" matamis ang binigay niyang ngiti pagkatapos niyang magsalita. Medyo malamig itong si Astrid hindi tulad nitong si Saskia na mukhang pala kaibigan at makulit, may bampira palang ganon.

"In born or bitten?" Pagtatanong naman ni Astrid sa malamig na tono pero bakas din naman sa ekspresyon niyang interesado siya, kung sabagay kahit ako ay interesado din kung pano naging bampira ang mga nakikilala ko dahil lahat tayo ay may kwento.

"Bitten" matipid kong sabi na sinabayan ng maliit na ngiti dahil sa hindi ko tansyado ang paguugali nila. Tumingin lamang siya sa akin saka nagtungo sa kaniyang higaan. Nang matapos akong magligpit ay may tumunog na malakas na kampana.

"Ano ba yan magpapahinga pa lang ako eh" pagreklamo naman ni Saskia. "Tara na Claudia, ititipon daw yung mga bagong pasok" Alam ko iyon pero na appreciate ko pa din ang pag alala sa akin ni Saskia. Sabay kaming tatlo na nagtungo sa pinaka likod ng main building dahil may malaking espasyo daw doon na nakagawian nang lugar ng pagtitipon.

Halos alas diez na ng gabi kaya bakit ganitong oras palang sila nagpatawag? Ang dami pala naming mga baguhan rito, kawawa naman ang mga mortal na tao kung ganito kadami ang gustong pumatay at kumain sa kanila.

"A very good evening to all of you my mighty fangs!" Pagtawag naman sa aming lahat ni Ms. Matilda. Teka ano raw? Mighty fangs?

"Corny naman nung mighty fangs" bulong ko sa sarili ko na natatawa.

Inangat ko ang tingin ko sa mga buildings na naka paligid sa malaking espasyo na ito dahil may mga tingin ko'y matagal na ritong mga bampira ang naka tingin sa amin. Nadaanan ko ng tingin si Damien at mapula na naman ang mga mata niya sa akin habang nakakunot ang noo niya, narinig nya kaya yung binulong ko sa sarili? Bahala na totoo naman kasing ang corny non.

Natapos na ang mahabang introduction ni Ms. Matilda. "Claudia tara libutin itong Academia de Sangre!" Pagaaya naman sa akin ni Saskia. Sumama ako sa kanila ni Astrid sa paglibot dito sa Academia na ito. Magaan naman sila kasama pero sa tuwing naaalala ko ang mga masasahol nilang layunin ay naiilang ako.

Naglalakad kami ngayon sa kabilang building na tinatawag nilang El Esqueleto dahil ang buto raw ng tao ang isa sa mga nagamit upang matayo ang building na ito. "Isipin nyo kung gaano kadaming buto ng tao ang nagamit dito haha angas" pagkamangha naman ni Astrid, tingin ko tuloy ay isa syang bampira na masyadong uhaw sa dugo ng tao.

"Galing talaga ni Magnus!" Nangingiti ngiti pa si Saskia.

Palagi na lamang nababanggit yung Magnus na iyon, ang alam ko lang ay siya ang namumuno rito noon at kinilalang pinaka mabagsik na bampira sa lahat. Siya rin daw ang isa sa mga bampirang espanyol na unang nakatapak dito sa Pilipinas noong 1500s.

"Sino ba si Magnus?" Pagtatanong ko sa dalawang abala sa pagtingala dito sa loob ng El Esqueleto. "Sandali, hindi mo kilala si Magnus?!" Grabe kailangan ba lakasan pa ni Saskia yung boses nya. "Kilala ko sya pero wala akong masyadong alam" pag papaliwanag ko naman sa kanila dahil parang iba ang tingin sa akin ni Astrid.

Naglakad na kami patungo sa aming silid habang nagkukwento itong si Saskia. "Si Magnus ang pinaka Ama nating lahat na mga bampira rito sa bansa na ito dahil siya rin ang nagpasimula at nagpakalat ng mga uri natin." Pag kukwento naman ni Saskia. "Hindi daw iyon ang layunin nya noon" medyo naguluhan ako sa binanggit ni Astrid.

"Ah oo nga, hindi naman daw talaga siya nagsimula sa isang mabagsik na bampira. Naranasan nya din umibig at sa isang mortal na tao pa, tsk tsk" pag sunod ni Saskia sa kwento ni Astrid. Ang mabagsik na si Magnus ay totoong umibig? Parang hindi yata kapani paniwala.

"Ngunit namatay iyong iniibig niya dahil sa kagagawan ng mga kapwa nyang mortal na tao dahil sa nalaman nilang may relasyon sya sa isang halimaw na si Magnus. Mula noon nag-iba na ang may malabot na puso na si Magnus, doon nagsimula ang galit niya." Naliwanagan ako sa mga kwento nila. Talaga ngang wala kasamaan ang ipinipanganak, nahuhubog ito.

"Midnight na ngunit bakit pagala gala kayo ditong mga baguhang kayo?" Mataray na salubong sa amin ng isang matangkad na babaeng porselana ang kutis. Tingin ko'y  matagal na siya rito dahil nakita ko siya kanina sa isang building noong tinipon kaming mga baguhan.

"Pasensya na po hindi namin namalayan ang oras." Paghihingi naman ng tawad nitong si Saskia. Nakatungo pa sila ngayon ni Astrid na para bang ang taas ng ranggo ng babaeng bampira na ito na nasa harap namin.

"Claudia tumungo ka" mahinang bulong na utos sa akin ni Astrid dahil ako lamang ang hindi nakatungo sa amin.

"How dare you not pay respect towards me?!" Malakas ang pagkasabi nya na parang ang laking kasalanan nang hindi ko pag tungo sa kanya.

"Sorry pero sino ka ba?" Nagtatakang tanong ko kasi hindi ko naman talaga siya kilala tsaka bakit ba niya ako sinisigawan? Nanlaki ang mga mata ng babaeng ito sa aking tinanong.

"Anneliese just let them be"

agad kaming tatlo na napatingin sa harap namin sa kung sino ang nagsalita, kung mamalasin nga naman ay si Damien na naman. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang itong si Anneliese ay masama ang tingin sa akin. Lumapit si Damien upang sabihan kaming magtungo na sa aming silid. Umirap si Anneliese at nilagpasan kami ngunit huminto siya sa tapat ko.

"Hindi pa tayo tapos"

Dark Desires | Academia de Sangre Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon