"Huy Claudia ikaw na daw sunod." nagulat ako sa pagpukaw sa akin ni Astrid. Araw ngayon ng ensayo kaya abala ang lahat dito sa open field. Dalawang linggo na ang nakaraan matapos nung ginawa sa akin ni Damien, pero buti nalang sa loob ng dalawang linggong iyon ay hindi na niya ako ginambala, nakuha na ata ang gusto eh. Ako na pala ang susunod na tatakbo. Pila pila kami dito at pipili ng mga nasa lima para mag karera paikot ng buong Academia de Sangre. Nagsimula na ang hudyat kaya nagsitakbuhan na kami, grabe ang bibilis pala ng mga ito!
Pumangalawa ako sa aming karera at halos nalampasan na namin yung canteen at El Esqueleto building. Nang makarating kami sa harap ng main building ay natanaw ko ang grupo ng mga bampirang matagal na rito, kasama na doon si Damien. Binalewala ko sila para makapag focus sa karerang ito, naunahan ako ng isa sa mga kakarera ko. Akala ko ay talagang lalampasan niya ako pero bigla niya akong sinagi!
"Putang-"
Ang sakit ng bagsak ko! Napaka daya noong sumagi sa akin. Tumayo kaagad ako at napansin kong ako na lamang ang nasa harap ng main building, kahit grupo nina Damien kanina ay wala na. Nagmadali na ako at sa wakas ay natapos na din. Pangatlo akong nakadating, kita ko ang pagka dismaya ng nageensayo sa amin, kung alam lang niya na ang daya ng isa kong kalaban.
"Anong nangyari sayo Claudia? sayang hindi ka nanalo!" malalalim ang aking mga hinga sa sobrang pagod, dagdag pa noong sinagi ako ng kalaban ko kanina. Nilingon ko itong si Saskia na nagtanong sa akin. "Nasaan si Clara?" pagsagot ko sa tanong niyang patanong din. Gusto ko sanang kausapin si Clara na sumagi sa akin pero siguro ay huwag na din para wala nang gulo.
"Ha? ewan ko hindi ko sya napansin eh."
Sabado na uli ngayon kaya pupwede na ulit akong makalabas, balak ko sanang surpresahin sina Kuya Julius at magpunta ulit kina Lola Tala, alam ko din namang wala si Dr. Sylvester dahil magtutungo daw siya sa Italya. Nagaayos na ako ng mga gamit ko para magbaon ng damit dahil hanggang bukas ako doon. Napansin ko na ang kalat ng mga higaan at gamit nina Saskia at Astrid kaya nilinis ko na din ito.
"Anong ginagawa mo?Umalis ka nga riyan!"
Nagulat ako sa boses ni Astrid kaya agad din akong tumayo at umatras palayo sa mga gamit niya, tinatawag tawag ko siya para sana humingi ng tawad sa pangingialam ko pero bakas sa mukha niya ang galit at iritasyon kaya tumahimik na lamang ako. "Patawad talaga Astrid, hindi kona uulitin" ayon na lamang ang nasabi ko habang siyaý tahimik pa din na inaayos ang sariling gamit. Lumabas na ako sa aming silid at sinarado ng dahan dahan yung pinto.
"Oh aalis ka uli? Pasyal naman tayo Claudia please!" pagmamakaawa naman sa akin ni Saskia, pagbigyan ko nalang siguro siya tutal wala din naman akong gagawin ngayong araw. Tumango na lamang ako sa kanya habang siyaý nagtatatalon sa saya. Binuksan nya yung pinto at tinawag tawag ang tahimik na si Astrid para yayain din, sa huli ay pumayag na lamang din siya. Nakakailang na tuloy kasi mukhang galit pa din siya sa akin.
Nagpunta kami sa bayan at nagsuot ng bestida para makahalo sa mga tao at hindi paghinalaan, masyado na din kasing matatalino ang mga tao ngayon eh. Kabisadong kabisado na nila ang mga uri namin. "Huy Saskia magkunwari ka ngang huminga hinga riyan, paghihinalaan tayo sa iyo eh." pagsaway naman ni Astrid sa kanya. Halos mukha na kaming mga dalagang dalaga na mortal sa mga suot namin. Naka bestida kaming tatlo na floral. Hindi nakatali ang buhok ni Astrid dahil maikli lang yung buhok niya, hanggang balikat lang. Samantalang kami naman ni Saskia ay naka pusod ang buhok. Mas matangkad ako sa kaniya pero mas payat ako.
Pumasyal kaming tatlo sa ibang bayan para hindi paulit ulit yung mga pinupuntahan namin. May palabas daw na gaganapin ngayon tanghali malapit sa munisipyo ng bayan kaya balak naming manood. Nauuna sa amin si Saski dahil siya ang pinaka sabik sa amin.
"Hoy bata, nasaan ang bayad mo?" nagulat si Saskia sa salubong sa kanya ng isang matandang lalaki, ito namang si Saskia nalilito sa nangyayari. "Ito po bayad namin, pasensya na po" naglakad na kami papasok sa malaking tent na ito samantalang si Saskia ay hindi na maipinta ang mukha sa pangaasar sa kaniya ni Astrid, kahit ako ay natatawa din sa nangyari. Ako na yung nagbayad kanina, buti nalang iniwanan ako ng pera ni Dr. Sylvester.
"Ano ka ba naman Saskia dire diretso ka tapos wala ka palang pera HAHA" pangaasar pa ni Astrid. Sinamaan nalang siya ng tingin ni Saskia at naupo na din sa upuan dito. Nagsiupuan na kaming lahat dito para makapagsimula na din ang palabas. May inabot sa aming papel, siguroý daloy ng palabas na ito. Nanlaki ang mata naming tatlo na tungkol sa mga bampira ang palabas. "Mukhang magiging maganda ito ah." nangingisi ngisi pa si Astrid, baka makipag away pa ito dito kapag may nadinig na mali sa uri namin.
Nagsimula ang palabas at kumilos na ang mga aktor. Tungkol ang palabas na ito sa isang bayani ng mga tao na pumapatay ng mga bampira. Ipinakita kung paano nila pinapatay ang uri namin at ang pagmamakaawa din ng aktor na gumaganap na bampira. Hindi ko gusto ang palabas na ito, hindi dahil sa kunwaring pinapatay ang gumaganap na bampira kundi dahil sa pareho lang ng lebel ng galit ang mga tao at bampira. Paano magkakaroon ng kapayapaan sa lahat kung parehong uri ay sarado ang isip at puso.
"Bagay lang iyan sa iyong halimaw ka!" linya ng bayaning aktor.
Natapos ang palabas at nagpalakpakan ang lahat ng tao dito maliban sa aming tatlo dahil hindi talaga din namin nagustuhan ito at maling impormasyon pa ang sinasabi nila. "May tatlong magagandang dalaga ang hindi pumalakpak, mga hija, hindi ninyo ba nagustuhan ang palabas?"
"Hindi po" ito namang si Saskia napaka straight forward!
"Maling impormasyon ang mga pinagsasabi ninyo sa mga bampira kaya hindi namin nagustuhan, nagmumukha lang na mga tanga yung mga aktor nyo." isa pa itong si Astrid. Hindi ako umiimik at nakatungo lamang sa kahihiyan, dapat pala pumalakpak nalang kami na peke. "Ikaw hija, anong masasabi mo?" ako na pala ang kinakausap ng isa ding matandang lalaki na nasa entablado. Halos lahat dito ay nasa akin ang tingin kaya tingin koý mauutal ako sa aking masasabi.
"Hindi ko po ito gusto dahil puro galit po ang pinairal, sana ay nagkasundo na lamang ang parehong uri para payapa ang mundo."
Nagsitawanan ang lahat ng tao dito, namukha akong katawa tawa sa kanila dahil sa sagot ko. Tahimik naman itong si Saskia at Astrid sa tabi ko, hindi ko alam kung anong nasa isip ng mga ito. Sasagot pa sana muli ako ng biglang may malalim at malakas na boses ay pumukaw ng atensyon naming lahat.
"Pasensya na po sa nobya kong ito, masyadong madaming nobela lang ang nabasa."
Mabilis akong hinigit ni Damien at si Saskia at Astrid naman ay mabilis din na tumayo para makaalis na doon. Seryoso itong si Damien nang makalabas kami at hindi man lang nilulungunan yung dalawa, bakas sa mukha nila ang kalituhan. Napunta na kami sa gubat at dito din natigil sina Saskia at Astrid.
Humarap si Damien na may malamig na ekspresyon. Nakadamit din siya na parang sa mga mortal na lalaki dito sa bayan kaya hindi mo mapapagkamalang bampira, ngunit sa itsura niya ay mapupukaw pa din ang pansin mo dahil sa parang may lahi siya. Sumama ang tingin niya sa amin, pero lalo na sa akin ng magtama ang mata namin. Pero teka, ano bang ginagawa niya rito?
"Ipapahamak ninyo ang mga sarili nyo sa ginagawa ninyo! Nasa batas natin ang huwag masyadong makihalubilo sa mga mortal!" galit na galit ngayon si Damien sa amin at tingin ko'y hindi lang iyon sa paghalubilo namin kundi sa pangatwiran din namin kanina. Humingi kami ng tawad habang nakayuko. Humakbang papalapit si Damien kaya biglaan akong napaatras at muntik ng matumba dahil sa kalambutan ng lupa dito.
"Huwag ninyo na iyon uulitin, lalo kana ang pasaway mo masyado."
BINABASA MO ANG
Dark Desires | Academia de Sangre Series 1
VampireClaudia, a girl who had a dark past because of her visions has now open a new door to her life. Facing all the wondrous and evilness this world beholds as a new bitten Vampire. Her mission began upon entering Academia De Sangre, a place that trains...