Chapter 3

11 2 0
                                    

Nagtatakbo na kaming tatlo papunta sa aming mga silid, hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako sa nangyari kanina at bakit parang ang taas naman ng tingin ng mga ito sa Anneliese na iyon.

"Claudia ano ka ba? Hindi mo ba talaga sya kilala?" Pagtatanong naman sa akin ni Saskia na may pagaalala at takot. "Naku maghanda kana para bukas at mukhang kapwa mo pa bampira ang pumatay sayo" sambit naman ni Astrid na pa seryoso.

"Eh sa hindi ko nga kilala eh, nagtanong naman ako sa kanya pero tinarayan lang ako. Sino ba yun?" Pagtatanong ko sa dalawa na mukhang balisa pa din hanggang ngayon.

"Siya si Anneliese, kumbaga ay Queen Bee dito sa Academia De Sangre, more like Queen Vamp" pagpaliwanag naman sa akin ni Saskia. "Malakas iyon at madaming nabibighani sa ganda nya, nagsimula na naman ang panibagong taon kaya magsisimula na ang nakagisnan nilang masahol na laro nila ng mga kaibigan nya" pagdagdag pa ni Astrid.

Wala naman akong pakialam sa Anneliese na iyon pero siguro nga dapat mag-ingat na lamang ako, mali pala ang nagawa ko kanina. Lagot ata ako kay Dr. Sylvester nito.

"Hala nasaan na yung langis ko?" Natatarantang sigaw ni Saskia na puno ng pagaalala. Agang aga ang lakas ng boses, nagambala tuloy ang mahimbing kong tulog. "Nasa akin, humingi lang ako eh. Oh eto na" pag abot naman ni Astrid nung langis ni Saskia. Panibagong araw kaya abala ang mga ito sa paglalangis sa buong katawan. Lumabas na kami sa aming silid para magtungo sa kantina para makapag agahan na.

Nadidiri ako sa mga pagkain dito kaya hindi ako kumain, sinabi ko nalang sa dalawa kong kasama na hindi pa ako masyadong gutom. Natapos silang kumain kung kaya't dumiretso kami sa labas ng main building para tumambay sa garden.

Natanaw ko ang sasakyan ni Dr. Sylvester na papalapit sa gate kaya napatayo kaagad ako. Tumakbo ako papalapit sa kanya dahil pinangako niyang papasyal daw kami ngayong araw, tamang tama gutom na din ako. Bumalik ako kina Saskia at Astrid para magpaalam ng ayos.

"Claudia, si Sylvester ba talaga iyon? Grabe buhay pa pala nga sya" tumango ako bilang pag sangayon, hindi ko alam kung galit din sila ni Astrid kay Dr. Sylvester. Humayo na kami ni Dr. Sylvester at nagpunta sa malapit na bayan, kikitain din kasi namin yung iba niyang kasamahang bampira na hangad di ang kapayapaan.

"Claudia! Masaya akong nakadalo ka" bati sa akin ni Lola  Tala. Siya ang pinaka matanda sa aming lahat, 518 years old na si Lola at napangabot pa nya si Magnus. Pumunta kami sa palengke upang mamili ng mga karne ng hayop dahil iyon ang pampalit namin sa pagkain sa tao. Dumiretso kami sa bahay ni Lola Tala dito sa gubat na medyo tago din.

"Lola Tala, totoo po bang may mabuting puso po talaga si Magnus noon?" Pagtatanong ko habang nagaalmusal kami. Nasa bente kami ditong nag sasalo salo, masaya ako na umabot na din sa libo libong mga bampira ang nahihikayat namin na mag bagong buhay. Nagulat sila sa tanong ko, siguro'y nagtataka kung saan ko iyon nalaman.

"Matalik kong kaibigan iyang si Magnus noong dumaong kami dito sa bansang ito. Umibig siya kay Proserpina at naging magkasintahan sila ng ilang buwan din. Napuno siya ng galit noong namatay ang pinaka mamahal nya kaya naghasik siya ng lagim. Tutol ako sa plano nya kaya tumiwalig ako." Pagkukwento ni Lola Tala. Mukhang totoo nga iyon pero mali pa din ang maghiganti, napuno siguro talaga siya. "Binalaan ko na siya na hindi maganda ang gagawin niya dahil sa nakita ko ang hinaharap niya" Katulad ko din si Lola Tala kaya nakitaan din nila ako ng potensyal at inampon.

"Kamusta misyon mo Claudia? Sabi nitong ni Dok ay may mga kaibigan kana daw." Pagtawag sa akin ni Kuya Julius. "Hindi ko pa sila tunay na kaibigan, tinatansya ko pa Kuya" pagsagot ko naman.

Ang tanging plano lang naman talaga ay ang makapanghikayat pero parang pinaka mabigat ang akin dahil madaming mababagsik at determinado sa Academia De Sangre. Pumasyal kami nina Dr. Sylvester at Kuya Julius sa may plaza dito sa bayan. Sana araw araw ganito ngunit kailangan kong magseryoso. Habang naglalakad lakad kami ay bigla kong natanaw si Damien sa malayo. Naestatwa ako at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. May lumapit sa kaniyang babae at niyakap siya sa likod. Iginaya naman ni Damien yung dalaga papalayo.

"Matinik talaga si Damien, kaya laging busog eh haha" pagtawa naman ni Kuya Julius, nakita nya din pala si Damien. "Mag-ingat ka don Claudia, mapanganib yon" Pagalala sa akin ni Kuya Julius, hindi naman ako interesado sa kaniya at mukhang imposible din naman syang mapabago kaya huwag na lang.

Hinatid na ako ni Kuya Julius at Dr. Sylvester sa Academia dahil lunes na bukas at magsisimula na ang ensayo ko rito. Nagpaalam na ako sa kanila at kumakaway kaway naman si Kuya Julius na parang baliw,siya ata ang dapat na dinala sa Asylum eh.

Naglakad na ako papasok sa building para magtungo sa silid namin pero nagulat ako sa mabilis na dumaan sa kanang gilid ko. Hinarap niya ako na kunot ang noo.

"Ano na naman ba?" Inis kong sabi sa kanya dahil ilang segundo na ata siyang nakatingin sa akin at nakakailang naman yon. "Nakita kitang bumibili ng karne ng hayop sa palengke" malalim niyang pagkasabi habang umiigting ang kaniyang panga.

Ang ganda ng hubog ng kanyang katawan gayon na rin sa mukha nya, talagang matinik nga ito sa babae. Nilagpasan ko nalang siya kasi medyo kinakabahan ako at hindi ko alam ang isasagot ko.

"Alam kong kagaya ka ni Sylvester, umalis kana kung gusto mo pa magtagal sa mundong ito" mahina niyang sabi pero puno ng galit yung tono ng pananalita niya. Kinilabutan ako sa sinabi niya, sa aking paglingon ay wala na sya kaya naisipan kong dumiretso na nga lamang sa aking silid.

Wala sina Saskia rito kaya makakapahinga ako ng ayos. Lunes na kung kaya't magsisimula na ang ensayo naming lahat pero hindi muna kami binigla. Nasa malaking silid kaming mga baguhan, ang kalahati ay nasa kabila dahil sobrang dami namin. Parang nagklase lang sa amin, sinabi ang history ng Academia de Sangre pati na rin yung mga bayani daw na mga bampira na namatay sa labanan para sa uri naming mga bampira.

"We have a lot of heroes class. Their heroic act inspires us to continue the legacy. Though, we also have traitors." Nangingiti ngiti pa na banggit ni Ms Matilda, mukhang kilala ko na kung sino ang tinutukoy nya dahil ako agad ang tiningnan nya matapos nya masabi yung huling salita na binanggit nya. Ramdam ko na agad na hindi magiging madali ang misyon ko. Nagbulungan at nagtinginan agad yung iba dito sa akin dahil parang kilala din nila yung tinututkoy ni Ms. Matilda. Natapos ang klase at pinagpalit kami ng aming mga damit para sa pag ensayo.

"Himala Claudia hindi nagparamdam si Anneliese haha swerte mo" natutuwang sabi ni Saskia na parang naligtas yung buhay ko sa panganib. Nagpalit na kami ng aming damit at nagpunta sa pinaka likod ng Academia dahil may malawak na lupain don na puno ng mga equipments at obstacles na pang training.

"Excited na ako!" Magiliw na sabi ni Saskia na natitili tili pa.

Dark Desires | Academia de Sangre Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon