Napatingin kami sa parents ni Evan ng tumikhim si tito Ali." Hon,baka makalimutan mo.."pagpapaalala niya kay tita Agnes na nakapagpakunot ng noo namin."ay! Oo nga pala,buti hon pinaalala mo"Sabi ni tita saka tumingin sa dereksyon ni Nicole.
"Nicole iha...we have a gift for you.Nasabi kasi ni Evan na graduating kana daw kaya naisipan namin na bigyan ka ng gift."Nakangiting Lintanya ni Tita.At sumingit naman sina mama Taña."Bumili din kami ng gift para sayo iha.Congratulations in advance"Nakangiting sabi niya na sinabayan naman nila Tita.
Agad naman na tinaggap naman ni Nicole ang regalo."Thank you po! Hindi na po sana kayo nag-abala..pero super thank you po talaga".Maiyak iyak pang sabi niya.
Nakangiting humarap si mommy sakanila."Thank you sainyo...and specially for accepting Claire."
"Mas magiging panatag ang loob namin na kayo ang kasama ni Claire"Dugtong naman ni Dad.Isinandal ko sa kanang braso ni Evan ang ulo ko at saka nag-angat ng tingin at nginitian siya.Hinalikan niya naman ako sa uluhan."I love you.."Bulong ko na ikinalaki ng ngiti niya."I love you too.."Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin.After nun ay napagdesisyonan namin na mag libot libot na muna.
"Kuya! Picturan mo ko dali...cge na please.."Naka puppy eyes pang sabi ni Nicole.
"Oo na...tigilan mo nga yang pagpa puppy eyes mo..mukha kang alien sa paningin ko eh...hahah"Rinig naming sabi ni kuya kaya natawa nalang kami.Nakita nalang naming dumaan sila sa harapan namin at hinahabol na ni Nicole si kuya para makurot.
"Guy's, inuman tayo mamaya?"Pagyayaya ni Cree.
"Sige..sige...game ako!"Nangungunang sigaw ni kuya."Yan!diyan ka magaling! Sa pag-iinuman....alam mo bang halos kamukha muna ang bote ng beer?"Pasiring na sabi ni Molly.Napabuntong hininga nalang kaming lahat dahil nagsisimula na naman sila.
Dinuro ni kuya si Molly."Hoy! MOLLY!Masyado mo ba talaga akong gusto at concern na concern ka sakin? Ha? O baka naman mahal muna ako..!"Mayabang na sabi niya.
"Pppffffttt...tumahimik nanga kayong dalawa baka magkatuluyan kayo niyan"Sabat ni Cree."Oo nga...baka umiyak pa si Cree kapag nagkataong nagkatuluyan kayong dalawa..hahahha"Asar naman ni Alestaire kay Cree.
Napaharap naman si Kate sa kanila na may nanlalaking mga mata at nagpalipatlipat ng tingin kay kuya Gino at Molly."OMG!"Sigaw niya at dinuro ang dalawa."Nanliligaw si kuya Gino sayo?"
"Hoy!Hindi noh!wala akong planong magpaligaw diyan noh..sa sobrang babaero niyan masasaktan lang ako.."Segunda ni Molly sabay irap kay kuya.
"Feeling karin noh?...wala rin naman akong planong patulan ka!"Sigaw ni kuya.
"Unggoy!"
"Feeling!"
Napabuntong hininga naman si mommy."Hayss..kayung mga bata talaga kayo dina kayo nagbago."
"Sayang at hindi nakasama si Manang noh?"Sabi ni Tita Ruth na may paghihinayang."Ay,oo nga sayang.."Dugtong ni mama Cynthia.
"Tiyak na mag-eenjoy cya dito"Sabat naman ni Tita Agnes."Di bali may susunod naman eh,kung wala lang sanang emergency sakanila..."Sagot ni mom.Pati rin tuloy ako diko maiwasang malungkot,gusto ko pa naman sanang ipakita kay manang kung gaano kaganda ang lugar.
"Okay kalang love?"Napaangat ako ng tingin kay Evan ng marinig ko ang tanong niya.Ngumiti naman ako sakanya ngunit may bahid ng lungkot."Oo love,diko lang mapigilang malungkot at maghinayang dahil gustong gusto ko talagang ipakita kay nanay Beth ang lugar natu.Gusto ko sanang mag-enjoy siya para kahit papaano at sa ganoong paraan manlang mapasalamatan ko siya".
Ngumiti naman siya sakin."Hmmm..."Sabi niya at nag-iisip habang nakalagay ang daliri sa may bandang baba niya."Ganito nalang love,libutin natin ang lugar ang kumuha tayo ng maraming pictures.Para saganon maipapakita parin natin sakanya,tapos sa susunod na punta natin dito isama natin si nanay Beth."Nakangiting suhesyon niya,naluha naman ako dahil sa mga sinabi niya.Kung paano pinapahalagahan niya rin si nanay Beth.Kaya naman diko napigilan ang sarili ko na hakbangin ang pagitan naming dalawa at hinalikan siya sabay yakap sakanya ng mahigpit.Diko nadin inabalang tignan ang mga kasama namin.
Tulad nga ng sabi ni Evan ay kumuha kami ng maraming picture.Hindi narin kami masyadong nagtagal sa lugar dahil baka mahirapan na kami sa pagbalik sa resort kapag inabutan kami ng gabi.
Pagkadating namin sa rest house ay nagpahinga lang kami saglit saka kami kumain and after that ay napagpasyahan namin na tumambay sa may dalampasigan para mag inuman at ang mga parents naman namin ay nauna ng umakyat sa kwarto para magpahinga.
"So, guys doon nalang ba tayo magkikita Kita sa airport?"Tanung ni Cree matapos uminom sa beer niya.
Tumango naman si Evan."Yap,sasabay na sila mommy satin"Sabi ni Evan,ipinagpatuloy lang namin ang pag-iinuman namin at nang maghating gabi na ay saka na kami bumalik sa rest house para magpahinga.
********
KINABUKASAN ay umuwi narin kami at tulad nung naging set up namin pagkapunta sa resort ay doon kami sumakay sa sasakyan namin at sila Evan naman at ang family niya ang magkakasama,habang sila Molly naman kasama sila Astaire.
Nakasunod lang ang sinasakyan nila Evan at Astaire samin.Pagdating namin sa tapat ng gate namin ay nakangiting hinarap ni mommy ang pamilya ni Evan."Salamat sainyong lahat.Sayo rin mare,super nag enjoy kami.."
"Nakuuu...wala yun mabuti nga yon at least nagka bonding tayo".Sagot naman ni tita at beneso si mom.
" Mag-iingat kayo..Evan iho ingat sa pagmamaneho"Sabi ni dad."Sige po Tito".Sabi ni Evan saka lumapit samin nila mom para magpaalam.
"Bye po tita"Sabi ni Evan at niyakap si mommy pati narin ang mga kapatid ko.Nakipag manly hug naman siya kay kuya."Bye love.."Sabi ni Evan nang harapin niya ako.Hinalikan ko naman siya at niyakap.
"Bye tito..Tita"Paalam naman nila Molly kina mommy at pati narin sakin."Bye Claire"
Sumunod namang nagpaalam samin sila Kate.Pagkatapos magpaalamanan ng lahat ay umalis narin sila,hinintay muna namin silang makaalis bago kami pumasok sa loob ng bahay.
Pagkapasok namin sa loob ay agad na kaming umakyat sa kanya kanya naming kwarto para makapagpahinga.
"Hayssss kapagod...makatulog nanga muna..."Sabi ko sa isip ko kaya naman nang nakapagbihis nako ay basta nalang akong humilata sa kama at pinikit ang mga mata hanggang sa diko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.
TO BE CONTINUED....
BINABASA MO ANG
"Our Time" Complete ✔️
FanfictionIn life we meet a lot of people. We meet someone who will make us feel that we are important, the one who will make us feel beloved. Someone who will always be there,that someone who we wants to be with for the rest of our lives but suddenly somethi...