He chuckled,kaya napaangat ang tingin ko sakanya at binigyan siya ng matalim na tingin.
"PPfffttt..."pagtitigil niya ng tawa kaya kumalas ako sakanya,iiwan ko na sana siya nang biglang hinablot niya nalang ang braso ko at niyakap ng mahigpit.
"Nakakainis ka naman eh!"sabi ko pa sakanya.
"Okay i'm sorry,ang cute mo lang kasing kiligin"he said like he's teasing me.
Napaangat bigla ang tingin ko sakanya ng marinig ko ang salitang kilig."Hoy!sino namang may sabi na kinikilig ako..ha?"pasigaw na sabi ko.
He look at me teasingly."...well yun ang nakikita ko,namumula ka kanina."
Nakapamaywang ko siyang hinarap."Dahil sa ikaw lang naman ang nakakita...ibig lang sabihin nun mata mo ang may deperensya."Sabi ko pa at umalis na.Nauna akong maglakad sakanya na akala mo naman alam ko ang lugar kaya sa huli sumoko rin ako.
"Saan ba tayo tutuloy?parang pinagloloko mo lang ata ako eh".Napatingin ako sa likuran ng marinig ko siyang tumawa.
"Hahahahaha,yun!doon tayo sa rest house namin".turo niya sa isang may kalakihan na modern house.
Pagdating doon ay may sumalubong sa aming mag-asawa sina mang Esme at aling Neda,nalaman ko na sila pala ang nangangalaga nitong rest house.
"Matagal na po ba kayo dito?"tanung ko sa kanila habang inililibot ang tingin sa kabuoan ng rest house
"Oo iha matagal tagal narin,bata palang si Evan ay kami na talaga ang nangangalaga sa rest house na ito."sagot ni Mang Esme.
Tumatango naman ako habang inililibot ang aking paningin ng biglang napahinto ako nang mahagip ng mata ko ang isang larawan.It was Evan and a girl besides him,mas mukha itong bata sakanya.
Nilapitan ko ito at kinuha,bago pa ako makapag tanung ay nag salita na si Aling Neda."Iyan si Denise,siya ang nag-iisa at nakababatang kapatid ni Evan".sabi niya kaya napaharap ako sa kanila ni Mang Esme.
"May kapatid po pala siya? Nasaan po siya ngayon?" tanong ko sakanila.
"Nag-aaral siya sa ibang bansa,tulad ni Evan mahilig din siyang mag pinta at mag desenyo ng mga damit kaya naman napag desisyunan niya na mag-aral bilang fashion designer."mahabang paliwanag niya.
Tinitigan ko naman ang larawan.Ang ganda niya bagay na bagay sakanya ang kursong napili niya.Nasabi ko nalang sa aking sarili.
Umupo muna kami sa isang upuan na yari sa kahoy at hinintay si Evan na nasa taas na siyang nag akyat sa mga gamit namin.
Mga ilang sandali pa ay bumaba narin si Evan.
"Nandito na pala si Evan,hali na kayo sa kusina para makakain"sabi ni Aling Neda.
Pagdating namin duon ay nakita ko naman agad ang mataas na mesa na puno ng mga iba't ibang klase ng pagkain.
"Salamat po pala sa paghanda ng mga pagkain"sabi ko pa sa mag-asawa.
"Kayo bang dalawa iha iho magnobyo?"biglaang tanong ni Mang Esme na nakapag pabigla sakin,kaya diko napigilang mapaubo.
Inabutan naman kaagad ako ni Evan ng isang basong tubig at hinagod ang likod ko.
"Okay kalang?"tanong niya.
"Oo,okay lang ako" tugon ko sakanya.
Tinapik naman bigla ni Aling Neda sa balikat si Mang Esme." Ano kaba naman Esme!mag dahan dahan kanga sa mga tanong mo,pasensya kana Claire iha ha".Baling sakin ni Aling Neda.
BINABASA MO ANG
"Our Time" Complete ✔️
FanfictionIn life we meet a lot of people. We meet someone who will make us feel that we are important, the one who will make us feel beloved. Someone who will always be there,that someone who we wants to be with for the rest of our lives but suddenly somethi...