Chapter Nineteen

344 15 0
                                    


"So,kumusta iha..masarap ba?" Excited na tanung ng mommy ni Evan habang pinapatikim sakin ang specialty niya.

Nakangiting nag-angat ako ng tingin sakanya. "Opo ma'am"pormal kong sabi.

"Oh,iha just call me tita Agnes"nakangiting sabi niya.

"Your tita Agnes is right,you can also call me tito Ali"

"Thank you po!"

Pinagpatuloy lang namin ang pagkain at di naman ako nahirapang makisama sa kanila dahil narin sa sobrang bait nila. "By the way iha, nabanggit pala ni Evan na may business daw kayo ng family mo?"Tito Patrick ask.

"Yes po tito,may mga restaurant po kami.Kaya po wala palagi sina mom dito"

Tumango tango naman sila Tito. "Eh ang mga kapatid mo?tanung niya ulit.

"Apat po kaming magkakapatid,tulad din po ng parents namin nag decide din po sila na mag negosyo tapos yung bunso po namin nag-aaral pa po."

"Ganun ba? Maganda yan mas malaki kasi ang kikitain mo kapag nag negosyo ka at mas madali kang uunlad."

"Gusto mo paba iha?"tanung ni Tita ng Makita niya na ubos na ang kinakain kong especialty niya.

"Nako!di na po tita busog na po ako,naparami po ata nakain ko.Masarap kasi masyado,thank you po"

"Really?"di makapaniwalang tanong niya na ikinatango niya.

"Opo tita,superrrr po"nakangiti kong sabi.Bigla naman sumabat si Evan.

"Nakoooo love,sure ako ipagyayabang nanaman ni mommy sa mga kaibigan niya na penuri mo Ang mga luto niya." Sabi ni Evan na kinatawa naming lahat.

"Hahahaha ano ba love ,masarap naman kasi talaga."

"Buti pa tung si Claire suportado ako"pagyayabang ni Tita na tinawanan lang nila Tito.

"Oo nga po pala tita,kung may time po kayo sa Sunday punta po kayo sa Restaurant ko ipapa bless ko po kasi sa Sunday"Pagyaya ko sakanila.

"Sure!"sabay na sabi nila Tito at tita.After namin mag dinner ay niyaya ako ni Tita na pumunta sa garden habang sina Evan naman ay nag presintang kumuha ng maiinom namin.

"Sobrang saya ko talaga iha at nakilala na kita,ito kasing si Evan di manlang nagsasabi na may nililigawan pala siya.Nagulat nalang kami ng sabihin niyang sinagot na siya ng nililigawan niya."

"I'm sorry po tita ha,ang balak po kasi namin saka na sabihin kapag nandiyan na po ang parents ko"

"It's okay"Maikling sagot ni Tita sandali namang napatahimik kaming dalawa ng biglang tawagin ni Tita ang pangalan ko.

"Claire"Napaangat ang tingin ko sakanya nag-alala ako ng makitang may bahid ng lungkot ang mga ngiti niya.

"Tita bakit po? May problema po ba? Nag-aalalang tanung ko pa.

Bumuntong hininga muna siya bago ako sinagot. "Claire iha , aware ka naman na Siguro kung anong ginawa ng ex ni Evan sakanya.I know lalaki ang anak ko pero siguro naman as Evan's mother may right din ako na humiling para sa kapakanan ng anak ko"Emosyonal na sabi niya nang makita ko ang tuloy tuloy na agos ng luha ni Tita ay diko na napigilang lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Mga ilang minuto lang ay kusa namang lumayo si Tita.

"Pasensya kana Claire ha, masyado lang akong nagiging emosyonal."hinging paumanhin niya.Pinatong ko ang aking mga kamay sa kamay niya at binigyan siya ng isang naniniguradong mga ngiti.

"Our Time" Complete ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon