Dinala niya ko sa mall.Ang dami naming ginawa nag arcade kami,nagtitingin tingin at namili din kami sa mga botique na nadadaanan namin at nanood din kami ng sine.
Kaya ito kami ngayon naghahanap ng restaurant na magandang kainan dahil na abutan na kami ng gutom sa dami naming nagawa.
"Saan mo gustong kumain?"he asked habang nililibot ng tingin ang lugar.
"Hmmm duon nalang!"sagot ko nalang sakanya habang nakaturo Ang hintuturo ko sa isang Filipino restaurant.
"Okay!"sabi niya at nagulat ako nang bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko sabay hatak sakin papunta sa restaurant.Pero Hindi naman yung hatak na masusubsob ako mahina lang.
Pagpasok palang namin sa restaurant kumalam na ang sikmura ko nang maamoy ko ang bango ng mga pagkain,Kaya ayun nagmadali na kaming maghanap ng mauupuan at lumapit naman agad ang waiter.
"Claire thanks pala sa pagpayag ha"sabi niya nang maka upo na kami.
"Naku wala yun saka hindi naman ako busy eh ikaw pala?Tanong ko habang pumipili ng oorderin.
"Ahmm actually di naman talaga ako ganun ka busy,nagpapaka busy lang ako para matuon sa trabaho ko ang atensyon ko." Sabi niya habang binibigay ang mga order namin sa waiter
"Nakakahiya man aminin pero yun kasi yung way ko ng pag momove on."dagdag niya pa.
"Ay oo nga pala nabanggit yan ni Cree nung nagkakilala tayo sa bar."
"So ilang taon pala kayo ng gf mo? I mean ng ex mo?"tanong ko habang naghihintay kami sa order namin.
"Three years kami kaya heto at hirap mag move on ikaw? Diba kakahiwalay niyo lang rin ng bf mo?" Tanong niya naman.
"Oo two years naman kami"sagot ko nalang at di na kami nakapag-usap pa dahil dumating na Ang order namin.
Habang kumakain ang dami naming napag-usapan tungkol sa trabaho,sa mga gusto namin,at kung anu ano pa.
Nung bandang 8:30 na ng gabi ay napag pasyahan na naming umuwi,binigay ko sakanya ang address ng bahay namin at siya na ang nag hatid sakin.
To be continued...
BINABASA MO ANG
"Our Time" Complete ✔️
FanfictionIn life we meet a lot of people. We meet someone who will make us feel that we are important, the one who will make us feel beloved. Someone who will always be there,that someone who we wants to be with for the rest of our lives but suddenly somethi...