Kinaumagahan ay maaga akong nagising.Kagabi palang ay kinakabahan nako nung sinabi ni Evan na gusto akong makilala ng parents niya.
“Oh? Aga mo ata ngayon iha may lakad ka?"bungad ni nanay Beth pagkababa ko.
“Opo nay pupunta muna ako sa restaurant na pinapatayo ko.”
“Ganun ba,o siya bago ka umalis kumain ka muna”sabi niya at nauna na sa kusina.
“Nay,samahan mo na po akong mag almusal.”yaya ko sakanya.Bigla namang dumating si kuya.
Nilapitan niya ako at hinalikan sa noo.“Good morning baby,good morning nay”sabi niya at lumapit din Kay nanay at umupo narin sa mesa.
“Oo nga po pala nay,kuya kina Evan po pala ako kakain mamaya.Gusto daw kasi akong makilala ng parents niya.
“Sure”kuya said.
Mayamaya lang ay natapos nakong kumain kaya tumayo nako para umalis.
“Alis na po ako nay,kuya”sabi ko at niyakap at hinalikan sila isa isa.
“Oh sige,mag-iingat ka ha”nanay said.
“Opo nay”
“Bye baby”
“Bye kuya”sabi ko at umalis na.
Nag taxi nalang akong dahil napagkasunduan naman namin ni Evan na susunduin niya nalang ako sa restaurant.
Pagdating ko duon ay nakita ko ang mga taong kinuha ko bilang waitress ko na siyang nag-aasyos ng lugar.Actually tapos na siyang gawin mga dekorasyon nalang ang kulang at okay na.
“Good morning po ma’am!”bati nila pagkapasok ko.
Ngumiti naman ako sakanila. “Good morning,okay naba ang lahat? May kailangan pa ba kayo?"tanong ko at tumulong rin sa pag-aayos.
“Wala na po ma’am.Nga pala ma’am kailan po ipapa bless itong restaurant?”
“Ay ! Oo nga pala buti pinaalala mo,sa Sunday na agahan niyo ang pagpunta niyo at saka dalhin niyo narin ang mga pamilya niyo.”sabi ko.
“Talaga ma’am? Pwede namin silang dalhin?gulat na tanung ni Trisha siya ang pinakabata sa mga waitress na nakuha ko.
Tumango naman ako at nagpatuloy sa aking ginagawa.Nung magtanghalian na ay nagpa order ako ng pagkain at sabay namin yung pinagsaluhan.
Habang kami ay nag-uusap ay bigla nalang kaming napatingin sa entrance ng may pumasok at nang makitang si Evan ito ay kinawayan ko siya.
Pagkalapit niya samin ay agad naman akong yumakap sakanya at hinalikan niya naman ako sa noo.
Hinarap naman niya ang mga kasama namin doon at binati.“Hi everyone”bati niya at binati din naman siya pabalik ng mga ito.
“Love sila pala Ang mga na hired na maging waitress dito and everyone this is Evan my boyfriend”pagpapakilala ko sakanila.
“Maam bagay po kayo”sabi ng Isa at sinigundahan naman ng iba,kaya tuloy tinukso nila kami ni Evan na tinawanan lang namin.
“Ayyyieeeeeeee….”tukso nilang lahat.
Inakbayan naman ako ni Evan. “So,ibig niyong sabihin pwede na kaming magpakasal?”sabi niya sa may tunong panunukso kaya naman siniko ko siya.
“Ouch! Love naman ang sakit non”reklamo niya na akala mo naman malakas pagkakasiko ko.Kaya naman inirapan ko lang siya at bumalik sa upuan ko at narinig ko namang nagtawanan sila.
BINABASA MO ANG
"Our Time" Complete ✔️
FanfictionIn life we meet a lot of people. We meet someone who will make us feel that we are important, the one who will make us feel beloved. Someone who will always be there,that someone who we wants to be with for the rest of our lives but suddenly somethi...