Chapter 1 - Weird Creatures

346 15 5
                                    

_______________________________________________________________

A.N. : Sana po magustuhan nyo! At kung hindi nyo man nagustuhan, please ipagpatuloy nyo lang ang pagbabasa! Haha.

Alam kong isang kabaliwan ang hinihinge ko dahil parang pinipilit ko na rin kayong magbasa ng ayaw nyo pero wala akong magagawa kundi magmakaawa. ;(

Syempre, bilang baguhang Author, kailangan ng ganyang effect diba? LOL

Well, hindi ko na pahahabain pa.

Ito na ang Chapter 1 and please enjoy it! :)

_______________________________________________________________

CHAPTER 1

PURPLE'S POV

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ang liwanag ng gabi.

Parang isang paraiso.

Nararamdaman ko ang lahat ng emosyon ng buwan."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinahiligan ko na talagang titigan ang buwan tuwing full moon at nagpapadala ako ng mensahe sa kanya sa pamamagitan ng pagtugtog ng gitara.

Sa tuwing nakikita ko kasi ang buwan parang may kung ano akong nararamdaman.

Parang ang lahat ng problema ko at mga katanungan ko ay nasasagot sa tuwing andyan ang maliwanag na buwan.

~ 12:51 playing ~

Ang ganda ng 12:51. Bagay na bagay sa moment ngayon.

Full moon, maliwanag, tahimik at saktong 12:51 am na!

Hahaha! Ang arteng weirdo ko noh!

Ako nga pala si Purple Kate Dela Vega. 15 years old. Junior High sa Otaku Academy.

Mayaman.

Maganda.

Mabait.

Matalino pero hindi naman masyado.

At maraming katanungan sa mundong ito!

Hindi ko alam kung bakit.

Basta feeling ko may nawawala akong bahagi ng pagkatao ko pero kahit anong gawin kong paraan para malaman kung ano ang kulang at nawawala,

wala namang nangyayari dahil ayos naman ang takbo ng buhay ko at walang makakasagot ng mga katanungan ko. 

Kompleto at perpekto nga ang tingin sa akin ng mga tao pero ewan ba!

Parang may kakaiba at kulang talaga!

 ***

FLASHBACK

KKKRRRRIIINNNNNGGG RRRIINNNNNGGGGGG KKKKKKRRRRINGG !

"Haaaahhhh!" sigaw ko habang pinupukpok ang alarm clock sa side table.

Ayaw mamatay sa isang pindot eh. Subukan ngang pukpukin ng malakas.

"7:00 na! Late na ako!"  sigaw ko ulit dahil sa pagkagulat ng makita ko kung anong oras na.

Ang alam ko kasing naiset-up kong oras kagabi ay 6:00 kaya nagulat talaga ako.

Siguro dahil sa gabi na ako natulog kaya mali ang set-up ko.

Moon Princess (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon