Chapter 11 - Preparations

45 7 0
                                    

PURPLE'S POV

(=^=)

(>^<)

(T^T)

"Waaaaahhhh!!! (T^T) Nakakainis ka talaga Nat-nat!!!" 

"Tumahimik ka nga. Ang ingay mo."

"Anong tumahimik? Ngayon lang ako nagsinungaling para maka-absent at dahil lamang sa isang walang kwentang taong katulad mo kaya nangyari toh!!"

"Tss. Anong masama?"

"Sayo walang masama dahil masama ka na noon pa pero ako.." (T^T) ang aking mala-anghel na image..  (>^<)  "..ibaba mo ko!!" 

"Hindi pwede."  (=_ _ _=)

"Papasok ako!! Ibaba mo ko!!"

"Tsk."  (=_ _ _=)

"Pwede naman kasing after classes eh!! Ibaba mo na ko, Pea-nat!!"

"Tsk. Ang ingay mo talaga." isinuot nya yong headphone nya tapos kumuha pa sya ng dalawang pillows at itinakip sa magkabila nyang tenga "May nakalunok ng microphone"

Tumawa yong driver nya at hinampas ko naman si Nat-nat dahil sa sinabi nya pero pumikit lang sya at lumayo sa akin.

"Nakakainis ka talaga..!!!!" sigaw ko na lamang sa tenga nya.

(>^<) 

Nakakainis talaga sya!

Tutulungan ko naman sya eh pero bakit kailangan ko pang mag-absent para lang sa preparations.? Pwede namang after class eh.  (>^<)

*sigh*

Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ng butler ko na hindi talaga ako pumunta sa private doctor namin?? 

Butler --> Mom & Dad =  (>_<)  then  

GROUNDED = Mom & Dad + Me + Same House =  Boring

(T^T) Sana naman hindi nila malaman. 

Pero ang saya pala mag-absent ng walang dahilan.. 

Walang nakakaalam kung nasan ka, kung anong ginagawa mo, at wala ding nagbabantay sayo.

Ang saya sa labas..ang sarap ng pakiramdam na malaya ka sa mga pabuntot-buntot na butler na yan kahit panandalian lamang.

Sana kasama ko ang Four Bees ngayon at pati na rin sya..

*** After 9 hours ***

(>///<) Chesnut. Choconut. Coconut. Doughnut. Peanut. Grrrr...!!!

"Nat-nat!!!" hinampas ko sya sa braso "Ang daya mo!! San ka galing?!"

Nakakainis talaga ang lalaking toh. Ako na kumausap sa lahat ng taong kakailanganin namin para sa suprise kay Ash tapos bigla syang naglaho.

"Bakit?" he answered coldly

Tapos bakit lang ang isasagot nya sa akin.?!  (>/ / /<)

"Anong bakit?!" binato ko yung listahan sa kanya pero nasambot nya "San ka ba galing?! Bigla ka nalang naglaho. Hindi ka man lang tumulong."

"Nasa sasakyan lang ako."

"at natutulog?" sarcastically kong tanong sa kanya although alam ko naman na antukin talaga sya. 

"Sleepy head, okay na lahat pero may isa pang kulang."

"Then, ikaw na ang bahala.."

"Ako nanaman?! No way!!" pagkasabi ko nun ay tumalikod sya sa akin at maglalakad na sana palayo pero hinila ko sya.

Moon Princess (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon