PURPLE'S POV
Sinundan ko si Nat-nat habang papunta na sya sa GS. Syempre, baka sa iba pumunta ang loko kailangan ko syang bantayan.
At mabait naman pala ang peanat man dahil pumasok sya sa GS kahit na puro girls at baklush lang ang pumapasok dun.
Hindi na ako pumasok sa loob dahil baka makita nya ako at kung ano pang gawin nya sa akin dahil sa inutos ko sa kanya. Whahaha ~evil laugh~
Lumapit yong sales lady sa kanya, ay mali, flirt lady pala. Sunod ng sunod kung saan pumunta si Nat-nat at hinawakan pa ung braso nya.
(>///<) Ang flirt mo Nat-nat!! Kaya siguro nagkipag-break sayo si Ashy!!
Idinikit ko ang tenga ko sa glass wall para marinig kung ano ang pinag-uusapan nila pero wala akong marinig dahil maingay dito sa labas.
Nakita kong lumingon sa direksyon ko si Nat-nat kaya tumakbo ako sa kabilang side at nakita ko naman dun si.....Ashy!!
Paano na toh?!!
Pag nakita ni Ash na may kaharutang girl si Nat-nat siguradong mawawalan na ng pag-asa ang dalawa para magkabalikan..
Pero si Nat-nat naman ang may kasalanan eh.
Kung hindi siguro sya nakikipag-flirt sa sales lady na yon baka ngayon palang magkaka-ayos na silang dalawa.
Kapag lalo namang magkalabuan ang dalawa sigurado hindi ako titigilan ni Nat-nat sa pagplano nanaman ng kung ano-ano para mag-kaayos sila ni Ash pero..
Kapag tinulungan ko naman si Nat-nat sa sitwasyon ngayon at nalaman ni Ash, siguradong iisipin nya na tinutulungan ko si Nat-nat na pagtakpan ang mga kalokohan nya..
Anong gagawin ko?!
Tutulungan ko ba si Nat-nat ngayon oh hayaan ko nalang na mahuli sya ni Ashy?
(T_T) Ang hirap naman!!
Alam ko namang mahal talaga ni Nat-nat si Ashy eh. Hindi naman siguro sinasadya ni Nat-nat na naging gwapo sya kaya lapitin ng babae.
At tsaka pwede rin namang friend nya lang yong girl, diba? Or relatives?
So..
Okay!!
Para sa kanilang dalawa..
Pumunta ako sa glass wall na nasa tapat ng pwesto ni Nat-nat para bigyan sya ng warning pero hindi nya ako nakita.
Sumigaw man ako hindi nya rin ako maririnig kaya tumakbo nalang ako papasok sa loob pero huli na pala lahat...
"Are you alright?" tanong ni Nat-nat pero hindi sumagot si Ash
Tinulungan ni Nat-nat si Ash na tumayo pero tinanggal ni Ash ang kamay ni Nat-nat sa wrist nya kaya natumba ulit sya pero nasalo naman sya ni Nat-nat.
"Babes.!" sabi nung flirt lady tapos hinawakan nya ang braso ni Nat-nat
Tumingin si Ash sa babaeng flirt na sales lady na nakahawak sa kabilang braso ni Nat-nat.
"Nice.. New girl huh?. Congrats!." sabi ni Ash tapos unti-unting tumulo ang luha nya
"A-ash.." bulong ni Nat-nat pero narinig ko pa rin. Syempre, lumapit na ako sa kanila eh.
Hinawakan ko ang kamay ni Ash at niyakap nya ako.
"P-purle.. *sniff* ang sakit." bulong nya sa akin.
"Ssshh.. okay lang yan. Nandito lang ako para sayo. Tara na.?"
Nag-nod lang si Ash at tumingin ako kay Nat-nat. Kitang-kita ko sa mga mata nya na nag-aalala sya.
Nag-smile lang ako sa kanya at saka kami umalis ni Ash.
BINABASA MO ANG
Moon Princess (slow update)
RomancePaano kung isang araw, dumating na yong oras na lahat ng sekreto ng bawat isa ay ibubunyag na? At ang magbubunyag nito ay ang lalaking pinakamamahal mo at punong-puno ng misteryo? Paano ang sekreto mo? Matagal na nya palang alam? Bakit hindi nya sin...